Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

TUMITIBOK... KUMIKIROT

Running Time: 

90 min

Lead Cast:

Allen Dizon, Mon Confiado, Michael Gomez, Jeanette Joaquin, Trina Shielos, Miller Abalos

Director: 

Armando A. Reyes

Producer: 

Thet Buena

Screenwriters:

Dennis Evangelista

Music:

Dennis Evangelista

Editor: 

 

Genre:

Sex-Drama

Cinematography: 

Ver Dauz

Distributor:

ATB-4 Films, Inc.

Location: 

Batangas

Technical Assessment: 

• •

Moral Assessment: 

+ +

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Makalipas ang pitong taong hindi pagkikita, naisipan ni Victor (Allen Dizon) na bumuo ng isang pagtitipon-tipon ng mga kabarkada niya noong high school sa isang beach resort. Una niyang tinawagan si Dawn (Jeannete Joaquin) na kasal na sa dati din nilang kaklase na si Jon (Mon Confiado).  Sa tulong ni Dawn ay nabuo ang barkada kasama sina Eunice (Millet Abalos) at Edilon (Michael Gomez). Muling magbabalik ang kanilang mga gunita noong high school pa lamang sila. Kasabay nito'y marami rin silang madidiskubreng mga pagbabago sa bawat isa: ang pag-asenso ni Victor, ang pagwawala ni Eunice, ang paghihirap ng dating mayaman na si Jon, ang pagiging "ander de saya" ng dating siga na si Edilon. Ngunit higit na makulay ang pagbabalik-tanaw nila Victor at Dawn ng kanilang nakaraang pag-ibig lalo pa't hindi na masaya si Dawn kay Jon.  Lingid naman sa kaalaman ni Dawn, may pinakatatagong lihim si Victor na matagal na niyang kinikimkim sa isang homosexual na lihim na pagtingin kay Jon. Mabubunyag ang lihim na ito na ikagugulat ng lahat ngunit ikapapanatag naman ng loob ni Victor na siya ring magiging daan sa maluwat na pagsasama ng lahat.

   Tulad sa inaasahan, maraming sablay ang pelikula kahit sa mismong kuwento pa lamang.  High school reunion ba talaga ang kanilang pagkikita o college reunion?  Paanong mababago ang kanilang buhay makalipas lamang ang pitong taon mula matapos sila ng high school?  Kakatwa rin ang disenyong pamproduksiyon na pawang hindi pinagisipan at halatang tinipid. Sa kabilang banda'y mahusay ang pagganap ng ilan sa pangunahing tauhan lalo na si Mon Confiado. Kulang na kulang naman sa karakterisasyon ang iba tulad nina Allen Dizon at Jeannete Joaquin.  Madalas din madilim ang kuha ng kamera at hindi maayos ang komposisyon.

Bagama't may mabuting saloobin ang pelikula ukol sa pagmamahal at pagpapatawad, hindi maitatangging higit nangingibabaw ang mga nakababahala nitong mensahe sa mga manonood.  Una'y malinaw na karamihan sa mga eksena ng hubaran at pagtatalik ay ginawa hindi dahil sa mahalaga ito sa kuwento kundi upang pukawin lamang ang makalaman na pagnanasa ng mga manonood. Pangalawa'y naging napakasimple ng pagtrato ng pelikula sa buhay may-asawa na umiikot lamang sa dalawang bagay: pagtatalik at pag-aaway. Bukod pa rito'y hindi naging malinaw ang tayo ng pelikula sa problema ng pakiki-apid at pilit pa nitong binibigyang-dahilan kung bakit natutuksong pumatol sa iba ang mga may-asawa na. Nararapat lamang ang pelikula sa mga manonood na may matatag na pundasyon at hindi basta-basta nadadala ng mga taliwas na pananaw.

 

(Nirebyu: Hunyo 27, 2003)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS