Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

ANGHEL SA LUPA

Running Time: 

94 min

Lead Cast:

Dina Bonnevie, Ricky Davao, Cogie Domingo, Maxene Magalona, Jiro Manio, Paolo Ballesteros, Alwyn Uytingco

Director: 

Jose Javier Reyes

Producers:

Lily Monteverde

Screenwriter: 

Jose Javier Reyes

Music:

Jesse Lucas

Editor: 

Tara Illenberger

Genre:

Drama

Cinematography: 

Mark Gray

Distributor:

Regal Films

Location: 

Manila

Technical Assessment: 

• • •

Moral Assessment: 

+ + +

CINEMA Rating:  

For viewers of all ages

 

Totoo nga kayang may mga taong pumanaw na hindi makatawid sa kabilang buhay sa kadahilanang may mga bagay pa silang nais gawin sa mundo?  Isang mabait, masunurin at mapagmahal na anak si Benjo (Cogie Domingo) na kabaligtaran ng kanyang kapatid na si Stephen (Alwyn Uytingco) na suwail at malapastangan sa kanilang inang si Lorna (Dina Bonnevie). Sila ay ulila sa ama at tanging si Lorna lamang ang bumubuhay sa kanilang mag-anak. Maraming suliranin ang gumugulo sa kanilang pamilya hanggang sa dumating ang isang pagsubok na magpapabago ng kanilang buhay.  May isang pagkakataong kinagalitan ni Lorna si Stephen at ito ay lumayas ng bahay. Hinanap ni Benjo ang kapatid upang pauwiin nguni't nagmatigas si Stephen at nagkaroon ng habulan sa bisikleta hanggang sa di inaasahan nabundol sila ng isang sasakyan. Ang pangyayari ay ikinasugat ni Stephen at ikinasawi ni Benjo.  Sa umpisa, di matanggap ni Benjo na siya ay patay na, hanggang sa ipaliwanag sa kanya ng isang anghel (Paolo Ballesteros) at makilala niya si Frankie a.k.a. Ake (Jiro Manio). Naging magkaibigan sina Benjo at Ake hanggang sa napagkasunduan nila na magtulungan upang maiparating nila ang mga huling habilin sa kanilang mga minamahal.

Maganda sa pangkalahatan ang pelikula maliban lamang sa mga pailan-ilang di pagtutugma ng diyalogo at ng eksena. Mapapansin din na may eksenang kailangan madilim ng bahagya subalit maliwanag ang kuha. May mga bagay na di dapat makikita sa isang espiritu, tulad ng anino at masyadong abala sa kanyang kaanyuan ngunit taliwas ang ipinakita sa ilang eksena dito.  Kung titingnan natin ang mga eksena sa pelikulang "Ghost" tugma at tapat sa kalagayan ng isang kaluluwa.  Minsan may mga eksena na ang pagganap ng mga pangunahing artista ay hindi makatotohanan.  Gayun pa man ang istorya ay maganda at nakakapangantig damdamin.

Minsan, tayo ay nakakaramdam ng pangingilabot at ayon sa sabi-sabi, sanhi ito ng mga kaluluwang nasa tabi mo. Mahirap ipaliwanag at patunayan kung ito ay totoo, subalit isa lang ang dapat paniwalaan. Ang tao, pag namatay may panibagong buhay sanhi ng pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesus. Ang aral na maaaring mapulot sa pelikulang ito, dapat ipakita natin sa ating mga minamahal, na mahal mo sila habang buhay ka pa at kanila pang madarama at hindi lang kung sila ay pumanaw na.

 

(Nirebyu: Mayo 23, 2003)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS