Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

MR. SUAVE

Running Time: 

100 min.

Lead Cast:

Vhong Navarro, Angelica Jones, Long Mejia, Brod Pete, Val Sotto, Ces Quesada, Jenny Viado, Winnie Cordero, Rayver Cruz, Carl John Barrameda, Pia Guanio, Sammy Lagmay

Director: 

Joyce Bernal

Producers:

Charo Santos, Malou N. Santos

Screenwriter: 

Dindo Perez

Music:

Parokya ni Edgar

Editor: 

Renato de Leon

Genre:

Comedy

Cinematography: 

Charlie Peralta

Distributor:

Star Cinema

Location: 

Manila

Technical Assessment: 

• • •

Moral Assessment: 

+ + +

CINEMA Rating:  

For viewers 14 and above

 

Nagtitinda ng hipong suahe sa palengke ang binatang si Rico Suave (Vhong Navarro) isang mabait at masunuring anak.  Dahil sa taglay niyang hinhin—suwabeng-suwabe ang dating, ika nga—umaamo ang mga babae sa kanya, ngunit nananatili siyang mailap sa mga ito dahil sa kanyang lihim na problema: tuwing mahahalikan siya ng isang babae, naninigas at nagmimistulang estatwa ang katawan niya: minsan, animo itong iladong isda, minsan nama'y mukhang tuod.  Nagpatingin siya kay Dr. Marten (Long Mejia) pero hindi tumalab ang reseta nitong gamot.  Sapagkat mahal si Mr. Suave ng kanyang barkada, naisipan ng mga ito na "gamutin" si Rico sa pamamagitan ng pagpapain dito ng isang babaeng bayaran, si Venus (Angelica Jones).  Inasahan nila na kapag napukaw ang pagkalalaki ni Rico, mawawala na ang kanyang paninigas sa romansa.  Para kay Venus, trabaho lang ang makipaghalikan kay Rico, ngunit nang lumaon, umusbong na rin ang pagmamahalan ng dalawa—hanggang sa matuklasan ni Rico ang tunay na hanapbuhay ni Venus.

Isang komedya ang Mr. Suave, at umaasa ito sa mga eksaheradong paggalaw or pag-arte ng mga tauhan upang makapagbigay-aliw sa nanonood.  May matatawag namang kuwento ang pelikula, kaya't kung uunawain mong katatawan lamang ito, patatawarin mo na lang kung bakit hindi makatotohanan ang mga pangyayari o ang kinalabasan ng istorya. Lapat naman ang iba pang mga teknikal na aspeto ng Mr. Suave, tulad ng sinematograpiya, direksiyon, musika, dialogue, atbp.

Bagama't may pagka-seksuwal ang pelikula, hindi ito masasabing bastos, bagkus ay lumalabas pang "spoof" ito ng mga naglipanang pelikula ngayon na labis-labis na ang pagkakatutok sa sex.  Unang-una, si Mr. Suave ay isa pang birhen at hindi mapagsamantala sa mga babae.  Ikalawa, ang mga eksenang halikan ay maliliwanang, maiikli at nauuwi sa katatawanan. Ikatlo, isinasaad ng pelikula na ang makakagamot sa problema ni Mr. Suave ay pag-ibig at hindi basta pag-uugnayang pisikal.  Kung lilimiin ng manonood ang mga bagay na ito—na sa totoo'y makabuluhan bagama't nababalot sa kababawan—maaari pa nilang matanggap ang Mr. Suave bilang isang "pahinga" mula sa nagbabagang mga "bomba movies" na wala nang ipinakita kundi paglapastangan sa tunay na pagmamahalan

 

(Date Reviewed: November 21, 2003)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS