Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

MAPUPULANG LABI

Running Time: 

95 min.

Lead Cast:

Candy Alison, Marcus Madrigal, Maye Tongco, Joshua Diaz, Dexter Doria, Cloyd Robinson, Pocholo Montes, Bobby Benitez, Bon Bivar, Anne Borromeo

Director: 

Joey Romero

Producer: 

Rene Lim

Screenwriter: 

Joey Romero

Music:

Rey Valera

Editor: 

Ferren Salumbides

Genre:

Sex Drama

Cinematography: 

Asagani Sioson, Sr.

Distributor:

Wild World Entertainment Co. Inc.

Location: 

Manila, Cebu, Batangas, Philippines

Technical Assessment: 

• • ½

Moral Assessment: 

+ +

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Inanunsyo sa isang pagtitipon ang nalalapit na kasal nina Poncy de Reyna (Marcus Madrigal) at ni Lara (Candy Alison).  Ngunit nang magmaneho si Poncy nang gabing yaon, nakabundol siya ng isang babaeng tumatakbo nang hubad.  Agad itong dinala sa ospital ngunit nang magkamalay ay di maalala nito kung sino siya o kung ano ang nangyari sa kanya.  Pinangalanan itong Jennifer (Maye Tongco) ng hospital staff at nalaman nina Poncy at Lara na positibong ginahasa siya ng mga di kilalang lalaki. Dahil sa habag ni Poncy kay Jennifer, minabuti nitong alagaan ang babae at patirahin sa kanyang resthouse sa Batangas. Doon, nabuo ang isang relasyon.  Galit na galit naman itong si Lara, kumalas kay Poncy at ipinagpalit ang kaibigan nitong si Allan (Joshua Diaz).  Ngunit habang lumalalim ang pagkakakilala ni Poncy kay Jennifer, nalaman ni Poncy na di maganda ang pinagdaanan ni Jennifer. Magkakabalikan pa kaya sila ni Lara?

Kahanga-hanga ang musical scoring na ginawa ni Rey Valera para sa pelikulang ito. Maganda pati ang pagkakabuo ng sound effects ng pelikula.  Maliban doon ay mahina na ang lahat sa pelikula—walang maipagmamalaki sa pag-arte ang nga nagsiganap, manipis ang buong kwento at plot development, maraming hindi kapani-paniwala sa pelikula.  Katulad ng karamihan ng bold films, masasabing ito'y low budget maliban marahil sa mga pamasaheng ginastos sa mga location shooting. Bagamat pasable naman ang research na ginawa upang ang technical data na kailangan sa script ay magmukhang kapani-paniwala, tulad ng mga katagang ginamit sa pulisya at ospital.

Para sa mga sumusuri ng mga bold films dito sa Pilipinas, magandang pag-aralan ang Mapupulang Labi.  Dalawang bold actresses ang gumanap ng dalawang magkaibang papel: isang nightclub dancer na nagbagong buhay at isang mayamang fiancée na tanggap ng lipunan dahil meron siyang class.  Ngunit kahit gaano pa karangal ang papel na ginagampanan ng mga aktres na ito, patuloy pa rin silang magsasayaw, mang-aakit, at manghahalay para sa kasiyahan ng mga lalaking manonood.  Ang nakababagabag ay ang karahasan ng mga lalaki sa mga babae, na tila wala itong anumang bahid ng konsiyensya.  Kahit balutan ng magandang intensyon ang isang bold film, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan: ang kabanalan ng sex ay natatabunan ng malaswang pagnanasa ng mga gumagawa ng pelikulang ito na ang tingin sa mga lalaking Pilipino ay walang karangalang moral, tinitignan ang babae bilang bagay at hindi tao, at walang pakundangang mang-aabuso ng kanyang sariling kapwa-Pilipino.

 

(Date Reviewed: October 31, 2003)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS