Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

KUNG AKO NA LANG SANA

Running Time: 

129 min.

Lead Cast:

Sharon Cuneta, Aga Mulach, Christine Bersola, Jennifer Sevilla, Mickey Ferriols, Dominic Ochoa, Shintaro Valde

Director: 

Jose Javier Reyes

Producer: 

Elma S. Medua

Screenwriter: 

Jose Javier Reyes

Music:

Raul Mita

Editor: 

Vito Cajii

Genre:

Romance

Cinematography: 

Mark Gary

Distributor:

Star Cinema

Location: 

Manila, Philippines

Technical Assessment: 

• • • ½

Moral Assessment: 

+ + +

CINEMA Rating:  

For viewers of all ages

 

Nagsimula pa noong kolehiyo ang pagkakaibigan nina Emmy (Sharon Cuneta) at Vince (Aga Mulach). Sa simula ay palagi silang nag-aaway dahil sa pagkakaiba ng ugali. Si Emmy ay tinaguriang "manang" na palaging subsob sa trabaho at mahilig mangmando ng mga tao sa kanyang paligid.  Si Vince naman ay isang mayamang babaero na hindi nagseseryoso sa buhay. Madalas na pinupuna ni Emmy ang pagiging babaero ni Vince upang maalis ang inis sa kanyang pagkabigo sa pag-ibig.  Bagama't marami silang pagkakaiba, natutunan nilang intindihin at alalayan ang isa't-isa.  Kahit palagi silang nag-aaway, sa tuwing may problema ang isa sa kanila, mabilis na dumarating ang tulong mula sa isa.  Sa paglipas ng panahon, lalong lumalim ang pagkakaibigan ng dalawa at kasabay nito ang pag-ibig na namumukod sa kanilang puso. Ngunit makakayanan kaya nilang isakripisyo ang pagkakaibigan para sa pag-ibig?

Ang pelikulang Kung Ako Na Lang Sana ay isang kwento tungkol sa pagkakaibigan na nauwi sa pagmamahalan.  Sa pagpasok pa lamang ng manonood sa sinehan ay alam na kung ano ang kahihinatnan ng palabas dahil may katotohanan ang kwento.  Bagama't hindi pangkaraniwan ang istorya, nabawi ang kagandahan nito sa mga palitan ng linya ng mga artista.  Ang mga diyalogo ay nakakatuwa at natural ang pagkabigkas.  Ang simpleng eksena ay nabibigyang buhay at ang mga malulungkot na parte ay nabibigyang kulay ng mga simpleng salita mula sa mga karakter ng istorya. Magaling ang pagganap ng mga artista lalo na sina Sharon Cuneta at Aga Mulach.  Natural ang pag arte nila at tunay na nababagay sila na gumanap bilang Emmy at Vince.  Naging maayos ang paghubog ng bawat karakter sa pelikula. Ang musika ay nababagay sa tema ng kwento. Hindi ito naging corny at tama lamang ito upang pakiligin ang mga manonood.

Ang istorya ng Kung Ako Na Lang Sana ay sumisentro sa pag-ibig at pagkakaibigan. Sa katunayan, ang pelikulang ito ay tungkol sa isang barkada at ang mga pagbabago nila habang sila ay tumatanda. Binigyang halaga ang papel na ginagampanan ng mga kaibigan sa buhay ng isang tao.  Ipinakita ang kahalagahan ng pagkakaibigan at ang kagandahan ng matagalang samahan.  Kahit may tampuhan at hindi pagkakaintindihan, ang mga alaala ng pinagsamahan ang siyang nakakapaghilom ng kahit na anong sugat.  Sa kahirapan at kasiyahan, kailangan ng tao ang kaibigan. Magandang halimbawa rin ang ipinakita ng karakter ni Emmy sa kanyang pagpatawad sa kanyang kaibigan, sa kabila ng isang mabigat na panloloko.  Sa kabilang banda, bagama't sumentro ang tema ng pag-ibig sa dalawang mag best friend na sina Emmy at Vince, makikita na lahat sa barkada ay may problema sa pag-ibig.  Ngunit sa paglaon, makikita din na  ang bawat problema ay may kalutasan, basta't maging tapat lamang ang isang tao sa kanyang sarili at sa hinahanap niyang kaligayahan.

 

(Date Reviewed: September 26, 2003)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS