|
Si Susan Ferrer Logarta (Cherry Pie Pichache) ay siyang anchor ng "Issue Ngayon" isang TV news program (na tipong TV Patrol) ng Manila Broadcasting Network (MBN). Ayon sa huling survey, bumaba ang ratingng
programaat nakalalamang ng ang kabilang istasyon kung kaya't sinisibak na si Susan. Bilang "number one" noong mga nakaraang surveys, humihingi si Susan ng
pagkakataong ibangon ang reputasyon ng istasyon, huwag lamang siyang masibak. Ang payo ng producer niya: dagdagan ng dumi ang kanyang show. Isang araw, habang siya't ang kanyang crew ay
nagpapatrolya, nakasaksi sila ngvehicular accident sa EDSA dulot ng katatanghod ng (baklang) nagmamaneho sa isang Bikini Openbillboard na naglalarawan ng isang lalaking halos ay hubad. Naisipang itampok ni Susan ang Search
for the King and Queen of Bikini Open 2005, na kinagigiliwan ng maraming manonood. Gagawa siya ng isang "expose" tungkol sa popular na paligsahang tinawag na Bikini Open at walang awa niyang ibubulgar ang anumang kanyang nakakalkal sa daigdig ng mga sumali doon na sila Lara Lopez (Francine Prieto) Gail Sta. Ana (Diana Zubiri) Sonny Gemora (Rafael Rosell), Billy Henson (Alfred Vargas) at iba pa.
Isang "satire" ang kuwento ng Bikini Open,
isang malamang pananalitang nababalot sa komedya. Nagbukas ito sa isang aksidenteng ibinabalita ng TV anchor na si Susan; nagwakas din ito sa isa pang aksidenteng mababalita rin sa telebisyon. Talamak ito sa bulgar na pananalita—hindi "pinapino" ng direktor na si Jeff Jeturian ang katotohan, kung kaya't maaaring ma-shock o mabigla ang mga manonood na hindi sanay makisalamuha sa mga taong matatagpuan ninyo sa kuwento. Nguni't ang mga sanay nang makihalubilo sa mga bakla at bakya ay sasang-ayon na ganito nga ang pagkilos, pag-iisip at pananalita sa mundo ng mga taong nilalarawan dito. Mabilis ang takbo ng istorya, akma ang mga nagsiganap sa mga papel nila, at nasa lugar din ang paghahantad ng mga katawang nangyayari dito.
Kung kababawan lamang ang hangad ng manonood, mayroon nito ang Bikini Open, ngunit ito'y
bilang saplot lamang sa isang malalim na mensahe.. Iminumulat ng Bikini Open
ang mga mata at isipan ng manonood sa kapahamakang dulot ng paghahabol ng tao sa salapi at pagkasikat Dala ng karukhaan ng bulsa at kahungkagan ng diwa, ang mga kabataang lumahok sa Bikini Open ay umaasa sa paligsahan upang magkaroon ng pagkakataong sumikat at magkapera. Dahil din sa kagahaman ng kaniyang producer sa salapi, sumang-ayon si Susan na higit pang parumihin ang kanyang programa upang madaig ang kumpitensiya. Ipinakikita ng pelikula ang katotohanan sa likuran ng makikinang na eksena ng paggandahan ng katawan: nagkakasira ang magkakaibigan, walang patumanggang nagbabastusan at nag-aaway sa publiko, nanglilinlang ng kapwa-tao, sumusuway sa magulang, nakikiapid, nagsisinungaling at nagnanakaw matamo lamang ang pangarap na tanghaling reyna sa paligsahan. Sa kabilang dako, sinasamantala naman ng media ang kamangmangan ng mga dukha (sa katauhan ng mga Bikini Open contestants)—nilulusob
ang kanilang mga bahay at walang pakundangang inihahantad sa telebisyon ang kanilang madidilim na buhay hindi upang makatulong kundi upang tumaas ang rating ng kanilang programa at magkamal ng salaping manggagaling sa sponsors.
(Date Reviewed: 26 May 2005)
|