Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

BIRHEN NG MANAOAG

Running Time: 

100 mins

Lead Cast:

Jodi Santa Maria, Marco Alcaraz, Eddie Garcia, Joyce Jimenez, Albert Martinez, Cherry Pie Picache, Jean Garcia, Bianca King, Paolo Paraisa, Elle Guevara

Director: 

Ben M. Yalung

Producer: 

Ben M. Yalung

Screenwriter: 

Christian Vallez

Music:

Nonong Buencamino

Editor: 

Camille Samson

Genre:

Drama

Cinematography: 

Mo Zee

Distributor:

Cine Suerte Films

Location: 

Pangasinan

Technical Assessment: 

• • 

Moral Assessment: 

+ + +

CINEMA Rating:  

For viewers 13 and below with parental guidance

 

Sapagkat mapaniwalain at may labis na paniniwala sa milagro, si Ana (Jodi SantaMaria) ay nagdesisyong gumawa ng isang dokumentaryo ukol sa milagrosong Birhen ng Manaoag.  Si Fr. Deo (Eddie Garcia) ang una niyang nilapitan upang alamin ang kasaysayan ng Birhen at kung bakit marami itong deboto.  Ikinuwento ni Fr. Deo ang pinagmulan ng Birhen ng Manaoag at kung paanong naitayo ang simbahan sa tuktok ng burol na iyon ng Pangasinan.  Kasunod nito'y pinuntahan niya si Paul Rosales (Marco Alcaraz), isang seminarista, na nagsulat ng libro tungkol sa mga milagro ng birhen. Ngunit tila kataka-taka na si Paul mismo ay parang walang paniwala sa mga himala ng Birhen.  Sa paglalim ng pagkakaibigan nina Paul at Ana ay mauungkat ang malalim nilang dahilan sa paniniwala at hindi paniniwala sa mga milagro. Samantala, sa paggawa ni Ana ng dokumentaryo ay kanyang nakausap ang iba't-ibang deboto ng Birhen ng Manaoag na may kani-kaniyang kuwento ukol sa kanilang paniniwala sa himala ng Birhen.  At ang ilan sa kanila ay makikilala ni Ana ng mas malalim dahil sa isang aksidenteng mangyayari sa kanyang anak.  Sa gitna ng matinding pagsubok na kanilang haharapin, manatili pa kaya ang kanilang paniniwala sa Birhen ng Manaoag?

Mabuti ang layon at konsepto ng Birhen ng Manaoag.  Subalit maraming itong butas kung pag-uusapan ang aspetong teknikal. Hindi kaaya-aya ang daloy ng kuwento na halos walang malinaw na problemang maaring sundan ng manonood.  Habang nagbibigay aral sa kasaysayan ang pelikula ay nalilito naman siya sa napakaraming iba't-ibang kuwento na pawang napakababaw naman ng pagtalakay.  Bagama't magagaling ang mga artistang nagsiganap, hindi naman gaanong napahinog ang kanilang mga karakter. Hindi rin maganda ang mga kuha at pag-iilaw sa pelikula.  Sablay ang kanyang konseptong dokumentaryo sapagkat sa maraming pagkakataon, halatang hindi kinukunan ni Ana ang mga taong kanyang kinakausap.  Maging ang mga special effects ay problemado din.   Naging masyadong manipis ang pagtalakay ng pelikula sa isang paksang nangangailangan ng ibayong pananaliksik at magarbong biswal.

Sa kabila ng lahat ng kakulangan ng teknikal, marami namang matututunan ang mga manonod ukol sa kasaysayan ng Birhen ng Manaoag.  Bagama't maaaring hindi eksakto ang lahat, nabigyang linaw na rin ng pelikula kung paanong nagsimula ang debosyon sa Mahal na Birhen ng Manaoag.  Isang mahalagang tanong din ang ibinato ng pelikula ukol sa paniniwala ng mga deboto sa mga himala. Ipinakita ng pelikula ang kahalagahan ng pananampalataya at pagsuko sa kapangyarihan ng Diyos.  Bagama't gasgas na ang puntong ito ay sinubok pa rin ng pelikulang gawin itong napapanahon. Patunay na ang Diyos at ang Mahal na Birhen ay parating nasa ating tabi.  Ngunit ang mga aral na ito ay taliwas sa mga ilang imaheng ipinakita sa pelikula gaya na lamang ng malabis na pagsigarilyo ng ilang tauhan at ilang mga eksenang walang sapat na basehan tulad ng ipinakitang uri ng pagpapakasakit ni Kristo na pawang hindi naman naka-angkla sa katotohanang nakasaad sa Bibliya.  Kahit gaano man kababaw, naging maliwanag naman ang punto ng pelikula na hindi lamang simpleng debosyon ang maaring magbigay sa atin ng milagro kundi ang matinding pananampalataya sa Diyos na siyang tunay na nakakaalam at nakakaunawa ng lahat.

 

(Date Reviewed: 11 March 2005)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS