Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

•

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

danothers

Title:

D' ANOTHERS

Running Time: 

105 min.

Lead Cast:

Vhong Navarro, Toni Gonzaga, Jhong Hilario, Joross Gamboa, Roxanne Guinoo, John Pratts, Achie Alemania, Michelle Madrigal, Mura, Tado, Joshua Deocareza, Jaime Fabregas, Arlene Mulach, Bella Flores

Director: 

Bb. Joyce Bernal

Producer: 

Charo Santos-Concio, Malou N. Santos

Screenwriter: 

Raymond Lee, Adolf B. Alix Jr.

Music:

Charles 'Chuckie' Dreyfuss, Jun Regalado

Editor: 

Erwin Alano

Genre:

Comedy/Horror

Cinematography: 

 

Distributor:

ABS-CBN Star CINEMA

Location: 

Manila

Technical Assessment: 

• • •

Moral Assessment: 

+ + ½

CINEMA Rating:  

For viewers 14 and above

 

Si Hesus Resurreccion (Vhong Navarro) ay ipinanganak yatang talunan at duwag, lalong-lalo na sa multo. Mahal na mahal niya si Maan Tuken (Toni Gonzaga) ngunit ayaw sa kanya ng mga magulang ng dalaga. May dumating na maganda't masamang balita kay Hesus. Siya ang nagmana nang ancestral home ng mga Resurreccion na nagkakahalaga nang 25 milyon ngunit ang masama'y walang gustong bumili dito dahil sa ito'y pinag-mumultuhan. Walang nagawa si Hesus kundi tirhan na rin ang lumang bahay at doon niya nalaman na siya pala ang pinaka-hihintay ng mga multo na "da one".  Siya diumano ang may hawak ng susing magbubukas ng puerta na dadaanan ng mga kaluluwa upang makatawid mula sa kadiliman patungo sa liwanag—at ang puertang ito ay sa lumang bahay ng mga Resurreccion lamang matatagpuan.

And pelikulang ito' horror-comedy ngunit hindi nakakatakot (para sa matatanda) at lalong hindi nakakatawa sa ilang manonood. Ito'y isang halo-halo na pilit pinagsama at ini-spoof ang mga pelikulang The Ring, Feng Shui, Bata-bata Pano ka ginawa, The Matrix, 8 Mile at mga sikat na musical videos ni Michael Jackson tulad ng "Thriller" at iba pa.  At dahil dito'y katawa-tawang nakakainis ang pinagtagpi-tagping istoryang walang kabuluhan.  May ibang eksena na nakakadiri't "in bad taste," ika nga. Ang magandang makikita lamang dito'y ang paglabas ng mga bagong tuklas na bituin at artista ng ABS-CBN

D'Anothers ang nagpapakita kung gaano nang kababa ang ibinagsak ng kalidad ng pelikulang Pilipino. Ngunit ganitong klaseng pelikula ang tinatangkilik nang masa.  Patok sa takilya ang D'Anothers kung kaya't patuloy na gagawin ang ganitong klaseng pelikula dahil mahalagang kumita ng pera ang mga producers.  Tiyak na mabubuhay ni Hesus Resurreccion ang mga prodyuser ng pelikula, ngunit paano naman ang isip at diwa ng mga manonood?  Hanggang doon na lamang ba? Isa mahalagang bagay: binigyan ng MTRCB ang D' Anothers ng rating na GP ngunit hindi ipinapayo ng CINEMA na panoorin ito ng mga bata sapagka't ang matutunan lamang nila ay ang matakot sa dilim.

(Date Reviewed: 05 August 2005)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS