Moral Assessment

moralrating 

Abhorrent

moralratingmoralrating 

Disturbing

moralratingmoralratingmoralrating 

Acceptable

moralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Wholesome

moralratingmoralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Exemplary

Technical Assessment

techrating 

Poor

techratingtechrating 

Below average

techratingtechratingtechrating 

Average

techratingtechratingtechratingtechrating 

Above average

techratingtechratingtechratingtechratingtechrating 

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

dubai

Title:

DUBAI

Running Time: 

110 min.

Lead Cast:

Aga Muhlach, Claudine Barreto, John Lloyd Cruz

Director: 

Rory Quintos

Producers:

Tess V. Fuentes

Screenwriters:

Ricky Lee, Shaira Melia Salvador

Music:

Jessie Lasaten

Editor: 

Larya Ignacio

Genre:

Drama

Cinematography: 

Charlie Peralta

Distributor:

Star CINEMA Productions, Inc.

Location: 

Dubai

Technical Assessment: 

techratingtechratingtechrating_half 

Moral Assessment: 

moralratingmoralratingmoralrating_half 

CINEMA Rating:  

For viewers 14 and above

 

Mula pagkabata ay pangarap na ng magkapatid na sina Raffy (Aga Muhlach) at Andrew (John Lloyd Cruz) na magtrabaho at manirahan sa Canada.  Nang maulila sa magulang ang dalawa, si Raffy ang tumayong padre de pamilya hanggang makapagtrabaho sa Dubai. Ngayon 9 na taon na ang nakaraan, muling magkikita ang magkapatid sa bansang ito: si Raffy na umaasang magugustuhan na ni Andrew ang Dubai at bibitawan na ang pangarap, si Andrew naman ay umaasang nalalapit na silang magkapatid sa kanilang minimithing manirahan sa Canada.  Subalit hindi lamang ang taliwas na pangarap ang magiging hidwaan ng magkapatid. Sapagkat makikilala at iibigin ni Andrew and dating katipan ni Raffy na si Faye (Claudine Barretto), na sa kabilang dako ay labis pa niyang mahal sa kabila ng pagiging pabaya at taksil nitong kasintahan.

Sa gitna ng nakabibighaning tanawin ng Dubai, walang gaanong bagong inihain ang pelikula.  Sayang ang konsepto ng paglalahad sana ng buhay ng mga OFW, sapagkat nauwi sa isang napaka ordinaryong love triangle lamang ang kwento.  Inaasahang magbibigay ng mas malalim na pag-unawa sa buhay at pakikibagay ng kultura ang mga OFW, sa halip panay MTV moments lamang ang ginamit ng director.  Medyo hindi makatotohanan din kung iisipin na pipilitin mong isama ang dating kasintahan ng iyong nobya sa inyong date, kahit alam mong ilang beses niya itong iniyakan, at pagkatapos ay magtataka ka kung bakit muling nahulog ang loob nito sa dating nobyo. Nakakatawa rin ang ilang diyalogo ng pelikula sa labis nitong pagka OA at madrama, lalo't pault-ulit ang paglalapat sa theme song.  Sadyang kulang sa sundot ang pelikula na kahit maya't maya'y may umiiyak, hindi mo naman labis na makuhang makiramay sa damdamin ng mga tauhan.

Isang mariin na mensahe ang ipinamalas ukol sa mga Pinoy - mahigpit ang bigkis ng isang pamilya. At sa labas ng bansa, ang bigkis ay kinabibilangan ng sinumang kababayan – lalo't nangangailangan ng tulong.  Nakatutuwang makita ang magkapatid na sadyang malapit sa isa't isa. Dakila ang mga tulad ni Raffy na nagtiis sa ibang bansa para lamang masustentuhan ang pamilya. Subalit nakapagtataka na napakabilis na malimutan at manumbat ni Andrew kay Raffy nang hiwalayan siya ni Faye na dati namang nobya ng kanyang kuya.  Dagdag pa, ang patawang komento ni Pokwang na sa Arabo lamang siya papatol ay isang patalikod na sampal – sa mga Pilipina na tila ba napakamateryosa natin at sa mga Pilipino na pinalalabas na walang kwenta.  Hindi rin maganda na ipinakikitang ang mga Pilipina, na dapat ay likas na makaluma, ang nangunguna pang maging liberal sa isang bansang bawal na pakikipagrelasyon sa labas ng kasal.  Marahil mahirap pintasan ang napakabilis na pakikipagrelasyon ni Faye kay Andrew sapagkat normal na ang pusong sugatan ang gumawa ng paraan upang maibsan ang sakit. Subalit mabuting tandaan na ang pakikipagtalik ay dapat nagaganap lamang sa pagitan ng dalawang taong labis at tunay na nagmamahalan at handang harapin ang responsibilidad ng isang malalim na ugnayan. Ang pakikipagtalik ay hindi gamot sugat ng puso at pait ng pag-ibig.

(Date Reviewed: 30 September 2005)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS