|
|
|
|
|
Abhorrent
|
|
|
Disturbing
|
|
|
Acceptable
|
|
|
Wholesome
|
|
+ + + + +
|
Exemplary
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
VA
|
For viewers of all ages
|
|
V13
|
For viewers age 13 and below with parental guidance
|
|
V14
|
For viewers 14 and above
|
|
V18
|
For mature viewers 18 and above
|
|
NP
|
Not for public viewing
|
|
|
|
|
|

|
Title:
|
HAPPILY EVER AFTER |
|
Running Time:
|
124 mins
|
|
Lead Cast:
|
Nadine Samonte, Tyron Perez, Keempee de Leon, John Pratts, Maxene Magalona, Dion Ignacio, Rainer Castillo,
Yasmien Kudi, Nova Villa
|
|
Director:
|
Maryo delos Reyes
|
|
Producers:
|
Roselle Monteverde-Teo
|
|
Screenwriters:
|
Galo Ador, John Roque, Alvy Adlawan
|
|
Music:
|
Vincent de Jesus
|
|
Editor:
|
Vito Casilli
|
|
Genre:
|
Teen Romance
|
|
Cinematography:
|
Gerry Santos, Chris Ecker de Guzman
|
|
Distributor:
|
MAQ Production, Inc.
|
|
Location:
|
Manila, Batangas
|
|
Technical Assessment:
|
• • ½
|
|
Moral Assessment:
|
+ + ½
|
|
CINEMA Rating:
|
For viewers age 13 and below with parental guidance
|
|
|
|
Sa Multong Bakla, nag-iibigan ang balikbayang si Abbey (Nadine Samonte) at ang "jologs na si Oggie (Tyron Perez). Dahil kapwa tutol ang mga magulang ng dalawa sa kanilang relasyon, napilitan silang magkita sa isang abandonadong bahay na pinamamahayan ng multong si Pampy (Keempee de Leon) at ang kanyang batang alaga. Hindi alam nina Pampy na sila ay patay na. Hinahanap niya ang kanyang kasintahang si Martin kaya't patuloy siyang nagpapakita sa mga binatilyong hawig nito. Tinulungan naman nina Oggie na maunawaan ni Pampy na sila ay sumakabilang buhay na upang makaalis ang kanilang kaluluwa sa lupa. Sa
Playboy Kuba, isang mapaglarong binatilyo si Vince (John Pratts) na napilitang magtago sa probinsya dahil sa banta ng mga magulang ng mga kasintahang kanyang niloko.
Nakilala niya si Laura (Maxene Magalona), isang dalagitang naglayas dahil pinipilt ng ina na magpakasal kay Eugene (Dion Ignacio). Nahulog ang loob ni Laura kay Vince
subalit hindi naman pala sya mahal nito. Dahil sinaktan ang kanyang anak, kinulam ng ina ni Laura si Vince at ginawang pangit at kuba. Muling nagtagpo ang landas ng
dalawa at nagkahulugan ng loob. Sa I Love You Babe, mortal na magka-away ang mga magulang nina Jenny (Yasmien Kurdi) at Gio (Rainer Castillo) at kapwa rin sila nasa
isang hindi masayang relasyon. Lihim na may pagtingin si Gio kay Jenny at ang tulad naman ng romantiko at malambing na si Gio ang hinahanap ni Jenny. Sa ilang ulit na
kanilang pagtatagpo, lagi silang nagbabangayan subalit ito ay lalo lamang nakapagpalapit sa kanilang mga kalooban.
Lubhang gasgas ang mga balangkas ng maiikling kwento at madaling hulaan ang ending nito sa
unang mga eksena pa lamang. Wala rin lalim ang pagganap ng lahat ng mga tauhan na mistulang laro lamang ang pag-arte. Kulang sa pagkamalikhain ang teknikal sa aspeto
tulad ng sinematograpiya, ilaw, editing at walang latoy ang mga artistikong aspeto tulad ng musika at dialogue. Pasado lamang ang disenyong produksyon. Malinaw
na ginawang tanghalan lamang ng mga sikat na love teams and pelikula.
Sa kabuuan tila isang pampakilig na palabas lamang ang pelikula ngunit kung susuriin mo ang ilang
isyung tinalakay, bagama't pahapyaw, makikita ang ilang taliwas na ideya. Una, Sa Multong Bakla, kahit na hindi natin sinang-ayunan ang homoseksualidad, hindi rin
mainam na ipakita sila bilang mga taong hindi nirerespeto. Hindi rin tigma sa Katolikong konsepto ang isang kaluluwang nanakot sa mga may atraso sa kanya. Sa
Playboy Kuba, hindi tanggap ng ating paniniwala ang pangungulam – na nakasasakit at nagpapababa ng dignidad – bilang parusa o paghihiganti o pagtuturo ng leksyon.
Mukha rin napakababa ng pagtingin ng mga maylikha (writer at director) sa matrimonyo ng kasal. Ito ba ay isang paraan lamang upang ilagay sa ayos ang buhay ng anak at
hindi isang pagbabasbas sa dalawang taong tunay na nag-iibigan? Sa I Love You Babe, hindi nagbigay ng paninindigan ang mga maylikha laban sa pagtataksil, pang-aabuso
sa kabaitan ng kasintahan at ang pag-video tape sa paghahalikan sa iba't-ibang lalaki. Lalo't mga kabataan ang mga tauhan ng istorya at ginawa itong isang komedya, madaling
pikitan ng mga manonod ang mga taliwas na konsepto ng pelikula.
(Date Reviewed: 01 July 2005)
|
|
|
|