Moral Assessment

moralrating 

Abhorrent

moralratingmoralrating 

Disturbing

moralratingmoralratingmoralrating 

Acceptable

moralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Wholesome

moralratingmoralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Exemplary

Technical Assessment

techrating 

Poor

techratingtechrating 

Below average

techratingtechratingtechrating 

Average

techratingtechratingtechratingtechrating 

Above average

techratingtechratingtechratingtechratingtechrating 

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

ispiritista

Title:

ISPIRITISTA

Running Time: 

110 mins

Lead Cast:

Vic Sotto, Cindy Kurleto, BJ Forbes, Redford White, Gladys Guevarra, Wally Bayola, Jonne Gamboa, Soxy Topacio, Jean Saburit, Antonio Aquintania, Teri Onor, Allan K, Jose Manalo, Robert Arevalo, Iza Calzado

Directors:

Paolo Villaluna, Ellen Ramos

Producer: 

Lily Monteverde

Screenwriters:

RJ Nuevas, Ellen Ramos

Music:

Tony Y. Reyes

Editor: 

Renewin Alano

Genre:

Comedy/Drama

Cinematography: 

Marissa Florendo

Distributor:

Regal Films

Location: 

Manila

Technical Assessment: 

techratingtechrating 

Moral Assessment: 

moralratingmoralrating 

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Si Victor (Vic Sotto) at ang kanyang dalawang alalay ay naghahanapbuhay sa panglilinlang ng kapwa.  Nagpapanggap silang mga ispiritista na kumakausap sa mga yumao, lalo na't yaong mga nagmumulto. Nagkakilala si Victor at si Lalaine (Cindy Kurleto) nang minsang kailangangin ng pamilya ni Lalaine ang serbisyo ng barkada ni Victor.  Hindi maibenta diumano ang ancestral house o tahanan ng mga ninuno ng pamilya ni Lalaine sapagka't punong puno ito ng mga multo. Nagkalapit si Victor at Lalaine sa kanilang paghahanap ng solusyon sa bahay na minumulto.  Nang mukhang nagtatagumpay na ang gawain nila Victor, natuklasan ni Lalaine ang lihim ng mga manlilinlang na barkada.

Hitik sa tinatawag na "kabakyaan" ang Ispiritista.  Ito'y isang komedya, at umaasa ito sa mga gasgas nang paraan upang patawanin ang mga nanonood:  panggugulat (mga mukhang nakakatakot na biglang bubulaga sa sa harapan mo); pananakit sa kapwa (pukpukan sa ulo, balyahan); eksaherasyon (sa pagkilos, pananamit, pananalita); panglilibak sa kapwa-Pilipino (sa katulong na Bisaya na laging pinalalabas na katawa-tawa); at iba pa. May kuwento, oo; may aral, oo rin, ngunit "nasasapawan" ng kabakyaang naturan.  Sa dinami-dami ng mga multong ipinakikita—na higit pa ang dami sa mga totoong taong buhay sa pelikula—maaaring hindi na makita ang leksiyon sa pelikula.

Ang leksiyon ng Ispiritista ay: masama ang manglinlang ng kapwa.  Subalit gawa marahil ng pagnanais ng Ispiritista na kumita sa takilya, nakulapulan ng mga pakulo ang magandang leksiyon na ito., at sa halip ay nangibabaw pa ang mga maling pamamaraan o paniniwala ng tao.  Lumalabas pang "okey" ang mga mangloloko, magbabago din naman sila sa banda huli eh—kahit na nga ang pagbabago nila'y hindi dahil sa tunay na pagsisisi kundi dahil sa takot sa ibinubunga ng kanilang panglilinlang.  Ang mga imahen ng multo ay lubhang pangit at nakakatakot—kahit na nga ito'y ginagamit sa pagpapatawa, di kaya matakot ang mga batang manonood nito?  Sa kabastusan din ng mga naturang multo, na madalas ay ipinakikita pang labis ang kapangyarihan kaysa Diyos o sa buhay na tao, para na ding sinabi ng Ispiritista na hindi dapat igalang ang mga yumao.

 

(Date Reviewed: 28 October 2005)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS