Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

LA VISA LOCA

Running Time: 

107 mins

Lead Cast:

Robin Padilla, Ruffa Mae Quinto, Johnny Delgado

Director: 

Mark Meily

Producer: 

Sharon Cuneta

Screenwriter: 

Mark Meily

Music:

Vincent de Jesus

Editor: 

Danny Anoneuvo

Genre:

Comedy/Dramav

Cinematography: 

Lee Meily

Distributor:

Unitel Pictures

Location: 

Manila

Technical Assessment: 

• • •

Moral Assessment: 

+ +

CINEMA Rating:  

For viewers 14 and above

 

Nagbukas ang pelikula sa isang silid-paaralan kung saan ipinapakita ng mga musmos na mag-aaral ang kanilang mga "drawing" na nagsasaad kung ano ang gawain ng kani-kaniyang mga magulang.  Sa halip na makapagsalita nang masaya tulad ng ibang mga bata, naihi sa hiya ang batang si Jason, pagkat ang kaniyang inang si Mara (Rufa Mae Quinto) ay isang sirena sa karnabal.  Anak sa pagkadalaga si Jason, subalit nang malaman niyang siya'y buntis, iniwan ni Mara ang ama ng bata, si Jess Huson (Robin Padilla), at inilihim dito ang kanyang pagbubuntis.  Pangarap ni Jess na makapagtrabaho sa Amerika kung saan siya hinihintay ng kanyang kasintahang si Annette; ang kanya lamang problema ay hindi siya mabigyan ng visa. Sa kanyang trabaho bilang tsuper ng rent-a-car, nakilala ni Jess si Nigel Adams, isang Amerikanong gumagawa ng dokumentaryo ng mga gawing Pilipino tuwing semana santa.  Ang tanging paraang nalalabi upang makasiguro sa pag-alis si Jess ang pagpapapako sa krus sa Biyernes Santo upang mabuo ang dokumentaryo ni Adams.

Makatotohanan ang pelikula at tiyak na marami sa mga manonood ang makauunawa sa mga nangyayari sa mga tauhan nito.  Mala-komedya ang dating ng La Visa Loca ngunit may gusto itong ihayag na mga totoong pangyayari sa Pilipinas at sa mga Pilipino hindi dapat daan-daanin na lamang sa tawa.  Ayos at akma ang pagganap ni Robin Padilla—presko at bugoy ang dating kapag komedya, ngunit may lalim din kapag hinihingi ng drama.  Maliit lamang ang bahagi ni Quinto subalit tulad ng dati, magaling na napaghahalo ng artista ang pagkaseksi niya at pagkakomikera. Damang-dama din ni Johnny Delgado ang papel niya bilang mabisyong ama ni Padilla, samantalang ang pagganap naman ng dayuhang artista bilang si Nigel Adams ay tunay na kapanipaniwala. Maganda ang epekto ng grupo ng mga mang-aawit na pasulpot-sulpot sa kuwento upang tahi-tahiin at bigyang saysay ang pagkakadugtong ng mga eksena.

May isang katotohanang nais bigyang-diin ang La Visa Loca: na ang mga Pilipinong naglalaway pumunta sa Amerika ay susuungin ang lahat (pati na nga pagpapapako sa krus) makamtan lamang ang kanilang pangarap.  Ang mga pangyayaring bumubuo ng La Visa Loca, sa katunayan, ay mga pinagtagni-tagni ng pelikula upang ipakita ang kaululan ng pagnanasang mangibang-bansa.  Mistulang katatawanan ang pelikula ngunit matindi ang mga mensaheng nakapaloob dito, kabilang na ang pagmamahal sa sariling bansa, pananalig sa kapwa Pilipino, debosyon sa mga magulang, at pagiging responsableng mga magulang. Tinutuligsa din nito ang mga masasamang ugali at gawi ng Pilipino na siyang dumudungis sa dapat sana'y malinis na pangalan sa ating bansa at lahi, tulad ng panglilinlang ng kapwa, at ang paghimod sa banyaga, ang colonial mentality o pag-iisip na kahit anong galing sa puting lahi ay higit na mabuti kaysa sariling atin.  Iminumulat din ng pelikula ang mga mata ng Pilipino sa pang-aabuso ng mga banyagang mamamahayag (foreign journalists) na namumuhunan sa paghahantad ng kabulukan ng Pilipino—at mag-iibento pa nga nga mga kuwento—upang sumulong sa kanilang propesyon.  Tinatawag ng La Visa Loca ang pansin ng manonood na sa halip na ang pagkita ng salapi at pangingibang bansa ang ating atupagin, ay bigyang halaga natin ang pagkakasama-sama ng pamilya na siyang magbibigay ng magandang kinabukasan sa ating mga anak.  Maaaring malumanay ang dating ng mensaheng ito ngunit makikita ninyo ito nang walang daplis kung papansinin ninyo ang simula at wakas ng pelikula—sa loob muli ng silid-aralan, masaya nang ipinapakita ni Jason ang iginuhit niyang pamilya nila sapagka't dito, kasama na nilang mag-ina ang kanyang ama.

 

(Date Reviewed: 27 May 2005)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS