Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

•

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

LET THE LOVE BEGIN

Running Time: 

100 mins

Lead Cast:

Richard Gutierrez, Angel Locsin, Gloria Romero, Mark Herras, Jennilyn Mercado, Bearwin Meily, Tuesday Vargas, Tonton Gutierrez

Director: 

Mac C. Alejandro

Producer:

Annete Gozon-Abogar

Screenwriters:

RJ Nuevas, Suzette Doctolero

Music:

Vince de Jesus

Editor: 

Kelly Cruz

Genre:

Drama

Cinematography: 

Regiben Romana

Distributor:

Location: 

Manila

Technical Assessment: 

• • •

Moral Assessment: 

+ + +

CINEMA Rating:  

For viewers age 13 and below with parental guidance

 

Si Eric (Richard Gutierrez) at Pia (Angel Locsin) ay mula sa magkaibang mundo. Si Eric ay mahirap lamang, isang working student na pinalaki ng kanyang lola; si Pia naman, isang unica hija na namumuhay ng marangya. Sa eskwelahan magku-krus ang kanilang landas. Ligaw-tingin lamang ang gagawin ni Eric sapagkat alangan silang dalawa sa kanyang paningin bagama’t siya ay may di-karaniwang talin at sipag. Magkakataong iisa ang kanilang inuupuan sa silid-aralan—si Pia sa araw at si Eric sa gabi. Nang minsang mapahiya sa klase at hindi makasagot sa math problem si Pia, isinulat niya ito sa desk ng kanyang upuan. Nang mabasa ito ni Eric, ito’y kanyang sinagutan. Nakatulong ang sagot na ito kay Pia kung kaya’t sinulatan niya ang sinumang “nagligtas” sa kanya at ito ang naging simula ng kanilang komunikasyon. Magtatanong si Pia tungkol sa kanilang assignment, at sasagutan naman ni Eric. Mula noon ay itinuring na ni Pia na kanyang savior si Eric kahit hindi pa niya ito nakikilala. Ngunit hindi pa rin magka-lakas-loob si Eric na magtapat kay Pia. At nang sa wakas ay binalak na niyang magtapat at magpakilala, nakaalis na si Pia papuntang America.

Maaring gasgas na ang temang poor boy meets rich girl ngunit nabigyan naman ito ng bagong bihis sa Let the Love Begin. Mahusay at nakakaaliw ang mga nagsiganap at naging makulay at biswal ang isang ordinaryong kuwento. May mga naging problema nga lamang sa istorya gaya ng hindi maliwanag na kuwento ng buhay nina Eric at Pia. May mga karakter din na bigla na lamang sumusulpot at nawawala sa kuwento tulad nina Tonton Gutierrez at Bearwin Meily. Marami ring insidente sa pelikula ang hindi kapani-paniwala tulad ng mga gamit na naiiwan sa silid aralan ng matagal na panahon at mga biglaang pamumuo ng pag-iibigan. Hindi maliwanag ang daloy ng damdamin sa kuwento kung kaya’t hindi masyadong nakakadala ang ibang eksena. Masyado ring malinis tingnan si Richard Gutierrez bilang janitor bukod sa hindi kapani-paniwala ang trabahong ito para sa karakteng niyang guwapo at matalino.

Ang Let the Love Begin ang pelikulang magpapanumbalik sa paniniwala ng manonood sa kapangyarihan ng pag-ibig. Dito muling ipinakita na dumarating ang pag-ibig sa kahit sino at sa tamang panahon. Kahanga-hanga rin ang malaking papel na ginampanan ng pagdarasal sa pelikula. Ang Diyos nga naman ang sentro ng lahat ng pag-iibigan kung kaya’t marapat lamang na Siya rin ang maging daan at sentro ng anumang relasyon. Kita rin sa pelikula ang pagbibigay halaga sa ating mga kaugalian tulad ng paggalang sa matanda at pagiging masunurin. Kapansin-pansin din ang tunay na pagkakaibigang namayani sa mga tauhan sa kabila ng iba’t-ibang estado sa buhay. Bagama’t pawang hindi na totoo, kahanga-hanga pa rin si Eric na bukod sa masipag at matalino ay mapagkumbaba pa ito. Bagama’t nakapaloob pa rin sa konteksto ng istorya, may ilang nakababahalang gawi ang ipinapakita sa pelikula na dapat ipaliwanag upang hindi tularan ng mga kabataang manonood: gaya ng bandalismo, pagiging delingkuwente sa pag-aaral, pagkakalat sa paligid, labis na hilig sa porma, at pagkutya sa tao dahil sa pagkamaralita nito.

(Date Reviewed: February 11, 2005)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS