Moral Assessment

moralrating 

Abhorrent

moralratingmoralrating 

Disturbing

moralratingmoralratingmoralrating 

Acceptable

moralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Wholesome

moralratingmoralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Exemplary

Technical Assessment

techrating 

Poor

techratingtechrating 

Below average

techratingtechratingtechrating 

Average

techratingtechratingtechratingtechrating 

Above average

techratingtechratingtechratingtechratingtechrating 

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

matthewmarklukeandjohn

Title:

MATTHEW, MARK, LUKE AND JOHN

Running Time: 

112 min.

Lead Cast:

Richard Quan, Neil Rya Sese, Paulo Serrano, Justin De Leon, Maria Isabel Lopez

Director: 

Gil Portes

Producer: 

Michael Sandejas

Screenwriters:

Adolfo Alix, Senedy Quem Gil Portes

Music:

Joy Marfil

Editors:

Ari Trofeo, Tetep Marasigan

Genre:

Sex/ Drama

Cinematography: 

 

Distributor:

Teamwork Productions

Location: 

Manila

Technical Assessment: 

techratingtechratingtechrating_half 

Moral Assessment: 

moralratingmoralratingmoralrating_half 

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Apat na maiikling kuwento ang bumubuo ng Matthew, Mark, Luke and John.  Hindi magkakakilala ang apat na lalaking sila Matthew (Justin de Leon), Mark (Paulo Serrano), Luke (Richard Quan) at John (Neil Ryan Sese).  Ngunit pawa silang mga deboto ng Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran. Bagama't lahat sila'y halos nagkakabungguan sa Baclaran tuwing Miyerkules, magkakahiwalay ang kanilang mga buhay. Upang panagutan ang papel niya bilang isang magiging-ama, nagtatrabaho si Matthew bilang masahista ng mga bakla.  Ambisyon naman ng "macho dancer" na si Mark ang mag-artista.  Si Luke, hiwalay sa asawa ngunit pinagsisikapang buhayin ang pamilya mula sa salaping saling sa mayamang matrona.  Upang kumita ng pambili ng gamot para s asawang may-sakit, pumayag si John na bumalik sa dating trabaho nilang mag-asawa na pagpapalabas ng "toro" o "live show" sa mga turistang Hapon.

Hindi naman katangi-tangi ngunit pasable na ang pagganap ng mga pangunahing tauhan sa Matthew, Mark, Luke and John; masasabi na ring nabigyang-buhay nila ang kani-kanilang mga papel. Subalit ang mga "supporting actors" o pumapangalawang mga tauhan ay halatang mga baguhan; at kung hindi man sila tunay na mga baguhan, ang pagganap nila'y malayo sa pagiging eksperto. Simple lang at walang gasinong paghamon sa sinematograpiya ang mga eksena ng apat na kuwentong bumubuo ng pelikula.  Maayos din ang technique sa Matthew, Mark, Luke and John na paggamit ng buong panalangin sa Ina ng Laging Saklolo upang matuhog ang apat na kuwento.

Nakatutuksong isipin na may gustong iparating na malalim na mensahe ang Matthew, Mark, Luke and John sa paggamit ng pelikula ng mga pangalan ng mga ebanghelista sa kaniyang pamagat. Pawang mga masimbahin at mapagdebosyon ang mga tauhan, bagama't pawang mga nasasadlak naman sa pagkakasala ang kanilang mga buhay.  Isinasaad ng pelikula ang mistulang pang-paslit na pag-asa nila Matthew, Mark, Luke at John sa tulong ng Ina ng Laging Saklolo, ngunit wala namang ipinapakitang pagnanais na umahon sa putik ang mga ito.  Kapuna-puna ring ang gawain ng apat ay may kinalaman sa pagbebenta ng laman—ni Matthew at Mark sa mga bakla, at ni Luke at John sa mga makuwartang parukyano. Makabubuti sana kung mapapalalim ng Matthew, Mark, Luke and John ang pananalig ng manonood sa pamamagitan ng pagsusuri ng budhi.  Kailangang itanong kung anong uri ng pananalig mayroon ang tao na nakabubuti sa sarili at sa kapwa, o higit lamang nakabubulid sa tao sa masama.

(Date Reviewed: 21 October 2005)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS