Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

mgapusanggala

Title:

MGA PUSANG GALA

Running Time: 

 115 min.

Lead Cast:

Irma Adlawan, Ricky Davao, Alchris Galura, Reggie Curley, Loren Novero

Director: 

Ellen Ongkiko-Marfil

Producer: 

Martin Marfil, Atty. Roger Rayala, Atty. Joji Alonso

Screenwriter: 

Juan Luna

Music:

Jerrold Tarog

Editor: 

Christopher Hinaros

Genre:

Drama

Cinematography: 

Alma dela Peña

Distributor:

Erasto Productions

Location: 

Manila

Technical Assessment: 

• • • 1/2

Moral Assessment: 

+ + 1/2

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Magkatapat ang kapalaran nila Boyet (Ricky Davao), isang baklang nobelista, at Marta (Irma Adlawan), isang advertising executive—mga magkapitbahay din sa inuupahang duplex.  Lalo silang magkakalapit sa kanilang pagdamay sa isa't-isa bilang mga biktima ng kanilang kahinaan.  Si Boyet ay lulong sa kanyang pagmamahal kay Dom (Loren Novero), at bagama't dama niyang siyang hinuhuthutan lamang nito, pikit mata pa rin niya itong tinatanggap.  Si Marta naman, sa kabila ng kaniyang katalinuhan sa gawain, ay naboboba pagdating sa pag-ibig niya kay Steve (Reggie Curley) na hindi naman magpabitag pagkat ayaw niya ng sagutin sa pagmamahalan. Nagtago na si Dom nang mapatay niya ang alagang yagit ni Boyet, si Jojo (Alchris Galura) nang labanan siya nito pagka't nahuli siyang nagnanakaw ng pera ni Boyet. Si Steve naman ay nagmatigas na tumangging pangatawanan ang pagiging ama niya nang mabuntis si Marta. Nang maglaho sa kanilang buhay ang kani-kaniyang mga lalaki, lalong nagkalapit si Boyet at si Marta sa kanilang pagdadalamhati at pagnanasang maghiganti at patayin ang mga nagsamantala sa kanila.

Tatlong bagay ang lutang na lutang sa Mga Pusang Gala: ang magandang kuwento, ang pagkakalahad ng kuwento, at ang pagganap ng mga pangunahing tauhan.  Lahat nang mga ito, natural, ay bunga ng mahusay na pagdidirihe. Magaling ang pagkakasunod-sunod ng mga eksena, at ang ginawang 'juxtaposition' sa ilan dito, lalo na noong nagkakahigpitan na ang pag-aaway ng mga magkakasintahang Marta-Steve at Boyet-Dom. Kapuna-puna rin ang mga sets na malalaman mong pinag-isipang mabuti gawa ng mga kaakit-akit na kulay at disenyo ng mga ito na naghahantad sa personalidad ng mga tauhan. Ipinapakita din ng kakaibang galing sa potograpiya at ng angkop na musika na ginamitan ng imahinasyon ang pagbubuo ng Mga Pusang Gala.  Dahil sa tema nito at sa husay ng pagkakagawa, maaari itong ilaban sa mga international film festival.

Maaaring magtanong kayo, bakit ganon ang pamagat ng Mga Pusang GalaBukod sa mahilig magkupkop ng mga pusang gala ang isa sa mga pangunahing tauhan sa pelikula, may mga pagkakahawig ang buhay ng mga tauhan sa buhay ng mga pusang kalye. Ulila silang matatawag, nabubuhay sa sariling kayod, walang sinasandalan, naghahanap ng sariling makakain at ng sariling maaapi o mapapaglibangang daga sa oras ng kalungkutan o pagkabagot.  Ngunit kapag natapakan mo sila, tiyak na kakalmutin ka. Mabigat ang itinuturong aral ng pelikula; nawa lamang ay masagap ito ng mga manonood: Hindi sapat na layunin sa buhay ang "maging maligaya" o ang "huwag magutom." Sapagkat bagama't ikaw ay busog at maligaya sa iyong akala, hindi ka sasagipin ng iyong tiyan o ng iyong akala kapag ikaw ay nalulunod na sa unos ng buhay. Ngunit kung kailan kailangan ang linaw ng isipan at tatag ng kalooban, ang tatakbuhan mo lamang ay ang kapwa mo api, ang bote ng alak, at sigarilyo—masahol ka pa sa pusa. Mabuti pa ang mga pusang gala, pagkatapos makipagbabag, may dignidad nang muli.  Ngunit si Boyet at si Marta, nilalason ng pait ang kanilang mga puso at diwa.  Maaari nating itanong: Kung si Marta at si Boyet kaya ay may nalalapitang Diyos, hahantong kaya sa ganoon ang tindi ng kanilang kagustuhang maghiganti?

(Date Reviewed: 19 August 2005)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS