Moral Assessment

moralrating 

Abhorrent

moralratingmoralrating 

Disturbing

moralratingmoralratingmoralrating 

Acceptable

moralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Wholesome

moralratingmoralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Exemplary

Technical Assessment

techrating 

Poor

techratingtechrating 

Below average

techratingtechratingtechrating 

Average

techratingtechratingtechratingtechrating 

Above average

techratingtechratingtechratingtechratingtechrating 

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

mylittlebride

Title:

MY LITTLE BRIDE

Running Time: 

115 mins

Lead Cast:

Kim Rae-Won, Moon Geun-Young, Kim Bo-Gyeong, Ahn Scon-Young

Director: 

Kim HooJun

Producer: 

Choi Sun-Silk

Screenwriters:

Jo Joong-hoon, Kim Yo-sook, Yoo-Soon-il

Music:

Choi Sun-Silk, Choi Man-Sik

Editor: 

Park Sun-Deok

Genre:

Romantic-Comedy

Cinematography: 

Soo Jeong-Min

Distributor:

Korea Pictures

Location: 

Korea

Technical Assessment: 

techratingtechratingtechrating 

Moral Assessment: 

moralratingmoralratingmoralrating_half 

CINEMA Rating:  

For viewers 14 and above

 

Matalik na magkaibigan ang magkababatang sina Bea (Monn Geun-young) at Simon Park (Kim-Rae-won). Kaya't nang maging dalagita na si Bea, iginiit ng kanyang lolo na magpakasal sila ni Simon, labag man sa kalooban ng dalawa at ng kanilang mga magulang.  Dahil nasa highschool pa lamang si Bea at katatapos pa lang ng kolehiyo ni Simon, mistulang bahay-bahayan pa lamang ang kanilang naging pagsasama kung saan madalas silang magkulitan at magkagalit. Inilipat si Simon bilang intern art teacher sa paaralan ni Bea. Duon ay hinabol-habol siya ni Ms. Kim, isa ring guro at si Bea naman ay naging kasintahan ni David, isang kaklase. Dahil kailangang ilihim ng dalawa ang kanilang relasyon, kapwa sila hindi makakibo. Gayunpaman, sa araw-araw nilang pagsasama, unti-unti nilang natutuklasan ang matagal nang damdamin nila sa isa't isa.

May bago at sariwang halina ang pagkaka kwento sa pag-iibigan ng magkababata sa My Little Bride .  Hindi maikakaila ang nakatutuwa at nakakakilig na mga eksena sa pagitan ng dalawang bida habang unti-unti nilang natutuklasan ang tunay na niloloob sa isa't isa.  Magaan din ang kwento at tugma ang mga sundot na katatawanan sa mga usapan.  At dahil tuwiran ang pagsasalaysay maayos na nailahad ang kwento. Maaliwalas ang mga kuha at disenyong produksyon.

Bagama't sa kabuuan ay "wholesome" ang pagkakagawa ng My Little Bride, may mga kapuna-punang konsepto na dapat linawin bagama't maaaring kultural ang ibang tema, pagkat ipinalabas ito sa Pilipinas at ginagamit ang ating wika, dapat na pag-usapan ito ayon sa ating kultura. Tila isang panunuya sa sakramento ng kasal, sa tungkulin ng magulang at misteryo ng pag-ibig ang pelikula. Una, kahit kailan ang kasal ay hindi isang kapritso ng mga nakatatanda—kahit sa isang kultura kung saan tanggap ang "fixed marriages".  Hindi na nga mabuting pilitin ang dalawang taong magpakasal, lalo namang masama na ipakasal ang dalawang taong hindi pa handa at wala pa sa tamang gulang.  Ang mga ganitong maling mga gawi ang kina-uugatan ng pagtataksil sa kasal. Dahil sa simula't simula pa lamang ay hindi na tama ang dahilan ng pag-iisang dibdib, madaling bigyang katwiran ang paghahanap o pagsama sa ibang taong iyong mamahalin. Pangalawa, pangunahing tungkulin ng mga magulang ang gabayan at bantayan ang kinabukasan ng kanilang mga anak.  Mahirap tanggapin na ang magulang, lalo na't ang ina, ay magsusugal ng kinabukasan ng kanyang anak alang-alang sa kagustuhan ng ibang tao (kahit ba biyenan o magulang mo pa ito). Ikatlo, ang pag-ibig at ang pagiging handa sa mga tungkuling kaakibat nito ang basehan ng kasal.  Ang tunay na pag-ibig ay pagtataya at pagsasalo ng mga buhay. Una ang pagmamahalan at pagkilala sa isang tao bilang iyong napipisil na makasama habang-buhay; saka pa lamang susunod ang pagpapakasal, dahil ito na ang sukdulan ng kanilang pag-iibigan at pagharap sa panibagong buhay bilang mag-asawa. Sa My Little Bride, kahit na sa huli at nauunawaan nila Bea at Simon na sila ay tunay na nagmamahalan at naging maayos naman ang kanilang pagsasama, walang ipinakitang pag-amin ang kanilang mga magulang na sila'y nagkamali sa pagpilit sa magpakasal ang dalawa sa maling dahilan at panahon. At dahil komedya ang pagtrato sa pelikula, mahirap para sa mga manonood ang paghiwalayin ang kilig at katotohanan ng kahulugan ng pag-aasawa.

 

(Date Reviewed: 25 November 2005)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS