|
|
|
|
|
Abhorrent
|
|
|
Disturbing
|
|
|
Acceptable
|
|
|
Wholesome
|
|
   
|
Exemplary
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
VA
|
For viewers of all ages
|
|
V13
|
For viewers age 13 and below with parental guidance
|
|
V14
|
For viewers 14 and above
|
|
V18
|
For mature viewers 18 and above
|
|
NP
|
Not for public viewing
|
|
|
|
|
|

|
Title:
|
ALL ABOUT LOVE |
|
Running Time:
|
120 mins
|
|
Lead Cast:
|
John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Anne Curtis, Luis Manzano, Angelica Panganiban, Jason Abalos
|
|
Director:
|
Don Cuaresma, Joyce Bernal, Jerry Lopez Sineneng
|
|
Producers:
|
|
Elma Madua, Kara Kintanar, Charo Santos-Concio, Malou N. Santos
|
|
|
Screenwriters:
|
Jennilee Chuaunsu, John Paul Abellera, Vanessa Valdez, Carmi Raymundo, Arah Badayos
|
|
Music:
|
Renewin Alano
|
|
Editor:
|
Renewin Alano
|
|
Genre:
|
Romance/Comedy
|
|
Cinematography:
|
Charlie Peralta, Ramoncito Redoble, Christopher Manjares
|
|
Distributor:
|
ABS-CBN Films, STAR CINEMA Productions Inc.
|
|
Location:
|
Manila
|
|
Technical Assessment:
|
 
|
|
Moral Assessment:
|
 
|
|
CINEMA Rating:
|
For viewers 14 and above
|
|
|
|
Tatlong mukha ng pagibig ang inilahad ng pelikula – Promdi, Kalesa, Tungkol kay Anna
.— malungkot, masaya, makabagbag-damdamin. Sa unang eksena ay makikita na biglang umuwi si Kikay (Angelica Panganiban) sa probinsiya at hindi na nagpatuloy ng
pagaaral sa Maynila. Napawi ang malungkot niyang karanasan sa Maynila nang makita niyang muli ang kaniyang kababata na si Kiko (Jason Abalos) na matagal nang may pagtingin
sa kaniya. Dahil sa mahusay na manlililok si Kiko ay ipinakilala siya ni Kikay sa mga koneksiyon nito sa Maynila upang
maitanghal ang kaniyang mga gawa. Sa kasamaang-palad ay nakita si Kikay ang taong nagpahamak sa kaniya sa Maynila at ipinasiya niyang mangibang bansa nang maiwasan ang malaking kahihiyan.. Sa kabilang dako ay makikita kung paanong itinataguyod ni Badong (Anne Curtis) ang kaniyang pamilya sa pangungutsero at sumasakay sa kalesa niya si Wesley (Luis Manzano), isang palikerong modelo, at ang mga date nito. Napansin ni Wesley ang ganda ni Badong at humanga siya sa tapang ng babae kaya nga't kahit na mailap sa kanya ay masugid niya itong niligawan. Minsan ay sumakay si Eric (John Lloyd Cruz) sa kalesa ni Badong at naiwan nito ang isang cassette tape na may mensahe para sa kanyang yumaong katipan na si Anna. Napulot ni Casey (Bea Alonzo) ang cassette
tape na nagbigay sa kaniya ng pag-asa na meron pa rin namang matapat sa pagibig, hindi kagaya ng
dati niyang katipan na salawahan at hindi rin kagaya ng kaniyang iresponsableng ama na tinalikdan ang kaniyang pamilya. Hindi niya sukat akalain na si Eric na kinaiinisan niyang kapitbahay sa condominium ang siyang may-ari ng cassette tape. Magkikita pa kayang muli si Kiko at si Kikay? Magkakatuluyan kaya sina Wesley at Badong, magkaiba man ang kanilang daigdig? Paano kaya magkakasundo si Eric at Casey?
Mahusay ang paglalarawan na malimit ay mga close ups at medium shots ng mga popular na love teams na nagpapakilig ng kanilang mga maraming tagahanga. Maging ang mga piniling awitin ay nababagay sa kaukulang eksena. Kaya lang ay mababaw at may mga bahagi na hindi makatotohanan sa pagbabalangkas ng mga kuwento ng
Promdi at Kalesa. Ni hindi kapani-paniwalang kutsero si Anne Curtis na halatang mestisa at di nababagay sa papel na ito. Mapapansin din sa istorya
ukol kay Anna na napakadalas naman ang pagkakatiyap ng pagkakataon mula sa pagkaiwan, pagkapulot, pagkatuklas ng nagmamay-ari ng cassette tape, at muling pagkikita
ni Eric at Casey.
May mga eksena sa pelikula na hindi dapat tularan kagaya ng paglalarawan ng pagkatao ni Kikay na ilang beses nang nagwawala,
napapahamak na ay parang hindi pa rin tumitino. Parang pinaglalaruan niya ang
kaibigang si Kiko na lubos ang pagtitiwala sa kanya, Ginawang katatawanan ang pagiging tomboy ng kutserong si Badong na noong una ay walang atubiling nakikipag-away, nanununtok, at naninira ng kotse kapag hindi binabayaran. Kung paano nagsisikap si Badong sa paghahanap-buhay ay siya namang pagiging materyoso ng mga mahihirap niyang kapitbahay. Hindi rin naaayon sa kagandahang asal at kultura ng Pilipino ilang mga eksena, tulad ng lantarang pakikipaghalikan ng magkatipan na parang walang pakialam kahit pagtinginan sila ng mga tao. May mapupulot din namang magagandang mensahe at pananaw sa pelikula kagaya ng pagiging maingat sa sarili upang hindi mapahamak sa masamang barkada at malulong sa masamang bisyo na ikinasisira ng kinabukasan at mga pangarap sa buhay. Kung magkamali man, dapat ay harapin nang matatag ang problema sa buhay at kung masaktan dahil sa pagkawala ng minamahal ay manalig sa katapatan at kapangyarihan ng pag-ibig na siyang nagbibigay-kulay at ligaya sa buhay.
(Date Reviewed: 08 June 2006)
|
|
|
|