|
|
|
|
|
Abhorrent
|
|
|
Disturbing
|
|
|
Acceptable
|
|
|
Wholesome
|
|
   
|
Exemplary
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
VA
|
For viewers of all ages
|
|
V13
|
For viewers age 13 and below with parental guidance
|
|
V14
|
For viewers 14 and above
|
|
V18
|
For mature viewers 18 and above
|
|
NP
|
Not for public viewing
|
|
|
|
|
|

|
Title:
|
ANG PAMANA: THE INHERITANCE |
|
Running Time:
|
111 mins
|
|
Lead Cast:
|
Darrel Gamotin, Caroline Mangosin, Nadine Villasin, Phoemela Baranda, Nicco Lorenzo Garcia, Angel Aquino,
Tirso Cruz III, Jaclyn Jose, Victor Neri
|
|
Director:
|
Romeo Candido
|
|
Producers:
|
|
Pui Yin Chan, Titus Ho, Saw Yam Seah
|
|
|
Screenwriters:
|
Romeo Candido, Ria Limjap, Carmen de Jesus
|
|
Music:
|
Romeo Candido
|
|
Editor:
|
|
|
Genre:
|
Horror
|
|
Cinematography:
|
Odyssey Flores
|
|
Distributor:
|
Toronto Candido Film
|
|
Location:
|
San Miguel Bulacan
|
|
Technical Assessment:
|
 
|
|
Moral Assessment:
|
 
|
|
CINEMA Rating:
|
For mature viewers 18 and above
|
|
|
|
Nang mamatay si Lola (Caroline
Mangosin), kinailangang umuwi ng magkapatid na Johnny (Darrel Gamotin) at Anna (Nadine Villasin) sa Pilipinas upang kumatawan sa kanilang ina sa pagbabasa ng "Last Will and
Testament" at pagpaparti-parti ng mga ari-arian ng yumao.
Napunta sa magkakapatid at kanilang pinsan na si Vanessa (Phoemela Baranda) ang malawak na lupain sa San Miguel, Bulacan. Pagkatapos ng libing ay pinuntahan ng tatlo ang kanilang bagong ari-arian. Makikilala ng magkakapatid si Tommy (Nicco Lorenzo Garcia), isang retarded na anak ng yaya na kahuhulugan ng loob ni Johnny. Sa gitna ng pagliliwaliw, bisyo at pagtuklas s mga misteryo ng kanilang pamilya ay magagambala ang ilang ispiritung itim, maligno, at iba pa. Matutuklasan ni Johnny at Anna na ang mga kwento ng kanilang lola ay totoo kung masususbukan ang kanilang tatag ng loob at ugnayan bilang magkakapatid.
Ang istorya ay halos karaniwan ngunit sa malikhaing paghawak ni Candido interesanteng kuha na
ginamit ang istilo ng "hand held camera", nabigyan ng bagong mukha ang kwento at matagumpay naman na nagbigay ito ng takot at kaba sa mga sumusunod. Lamang, medyo sabog ang daloy
ng istorya dahil sa napakaraming maliliit na kwentong ipinapasok. Habang lumalaon din ay nawawalan na ng disiplina ang "visual treatment" nito dahil sa labis na paglalaro ng camera at editing.
Maganda ang musika at disenyong pamproduksyon at malaki ang naitulong nito sa pagbuo ng kilabot.
Mahusay ang pagganap ng mga baguhang aktor. Malaki marahil ang ikapupulido ng pelikula kung hindi lamang iisang tao ang humawak halos lahat ng aspetong teknikal at pansining. Masasabi na ring sa aspetong teknikal, sulit nang panoorin ang pelikula
Mahirap kakitaan ng halaga ang mga pelikulang ganito dahil habang nakahilig ito sa katutubong
kultura at yaman ng alamat ay tinutuligsa naman nito ang buod ng ating pananampalatayang Katoliko. Ang paniniwala sa aswang, kapre, duwende at iba pang ispiritu na nananakit
kapag may hindi nagustuhan sa tao, ang paggamit ng tawas at kulam at iba pang ritwal at pagmumulto ng mga kaluluwa upang manakot ay hindi tanggap ng simbahan.
Sa kabuuan, walang sinabi ang pelikula kundi ang mga kwentong katutubong ito ay totoo. May mga elemento sa pelikula na hindi kaiga-igaya sa mga bata tulad ng droga, pagpapahiwatig na sekswal sa isang pinsan usapin ng pagpili ng aborsyon at paghihiganti. Dahil wala namang malinaw na direksyon ang istorya maliban sa magbigay kilabot at takot, mas mainam ng mga nasa hustong gulang na lamang ang magsipanuod nito.
(Date Reviewed: 24 November 2006)
|
|
|
|