Moral Assessment

moralrating 

Abhorrent

moralratingmoralrating 

Disturbing

moralratingmoralratingmoralrating 

Acceptable

moralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Wholesome

moralratingmoralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Exemplary

Technical Assessment

techrating 

Poor

techratingtechrating 

Below average

techratingtechratingtechrating 

Average

techratingtechratingtechratingtechrating 

Above average

techratingtechratingtechratingtechratingtechrating 

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

batasmilitar

Title:

BATAS MILITAR

Running Time: 

110 mins

Lead Cast:

Mark Lapid, Tanya Garcia, Mark Anthony Fernandez

Director: 

Jess Lapid Jr

Producer: 

Mark Lapid

Screenwriters:

 

Music:

 

Editor: 

 

Genre:

Action

Cinematography: 

 

Distributor:

MLT Films

Location: 

Philippines

Technical Assessment: 

techratingtechrating_half 

Moral Assessment: 

moralratingmoralrating 

CINEMA Rating:  

For viewers 14 and above

 

Dahil sa nakita niya ang pagnanakaw ng mga armas ng mga kapwa niya opisyal sa military, pinapatay ang nakababatang kapatid (Meynard Lapid) ni Miguel (Mark Lapid). Kasabay nito inatake at namatay ang kanyang ina (Liza Alindogan) at tinanggal siya sa tungkulin pagkatapos hamunin ang ilang opisyal na pinaghinalaan niyang pumaslang sa kanyang nakababatang kapatid. Hatid ng masalimuot na mga pangyayari at labis na sama ng loob, ipinasya ni Miguel na maghiganti sa mga taong sangkot sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Makikilala naman niya ang isang pangkat na namumundok na anila'y nakikipaglaban lamang sa mga tulisan at masasamang loob ng gobyerno at kontra-gobyerno. Ang unang motibo ni Miguel na paghihiganti ay masasakop ng isang higit na mas malaking adhikain: ang ilantad ang katiwaliang nagaganap sa military. Sa kanyang paghahanap ng hustisya ay makakatunggali niya ang kanyang matalik na kaibigan (Mark Anthony Fernandez) at ang kanyang kasintahan (Tanya Garcia).

Sa kabuuan ay sayang lamang ang salaping ginugol sa pagbubuo ng pelikulang ito. Bagamat may potensyal sana ang ideya ng kwento ay hindi naman ito napagtuunan ng panahon at pagsisikap na mailahad ng maayos.  Talon-talon ang pagkwekwento at napakaraming eksenang hindi naman kailangan. Maging ang paglulutas ay hindi pinag-isipan.  Bilang isang action film, labis na mabagal at walang panggising sa damdamin mula sa mga eksena ng pakikipaglaban hanggang sa kabuuang takbo ng pelikula.  Pangit lahat ng aspetong teknikal mula sa mapusyaw at over-exposed na pag-iilaw, ang tila baguhang sinematograpiya ang salu-salungat na pagdurugtong ng mga eksena, ang walang damdaming paglalapat ng musika at ang nakakabagot na pagganap ng lahat ng pangunahing tauhan. Mas mainam sana ay hindi na lamang ginawa ang pelikula dahil bukod sa nakaka-insulto sa pangangatwiran ang isinusulong ng tema ay nakakainis panuorin ang isang proyektong walang paghihirap na gawing pulido.

Nakakapagtaka na kahit datihan na sa industriya ang prodyuser at director ng pelikulang ito ay ganitong uri pa rin ang kanilang naging pangkatapusang produkto.  Sa dinami-dami ng pagbabasehang istorya tungkol sa taong naghahanap ng hustisya, hindi man lamang ginawang makatotohanan ang motibasyon at pangangatwiran ng pangunahing tauhan. Pinapakita ng pelikula na tila baga ang taong nasusukol ay walang ibang alam gawin o takbuhan kundi ang paghihiganti at karahasan. Kahit na sinikap bumuo ng isang katauhan para kay Miguel na palaki ng isang maginoo at bayaning amang nagsilbi sa military at siya mismo ay matalino at naninindigan sa prinsipyo, sa sandali ng matinding pagsubok bigla na lamang siyang nag-utak hayop at naging hayok na hayok pumatay. At sa kabila ng pagkakaroon ng panahong magmuni-muni nang makasama siya sa isang grupo ng mga "vigilante" at kunwa'y humigit pa sa pagbibigay katarungan sa pagpaslang sa kapatid ang naging motibo, karahasan pa rin ang kanyang ginamit na paraan. Hindi magandang ideya ang isinaad sa pagtatapos ng pelikula kung na-abswelto si Miguel sa lahat ng kanyang krimen at pinabalik pa sa serbisyo dahil masasamang tao naman ang kanyang pinatay.  Ang pagpatay lalo dahil sa paghihiganti ay hindi kailanman maaaring mabigyang katwiran. Sayang ang perang gagastusin sa panunuod ng pelikulang ito.

 

(Date Reviewed: 14 July 2006)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS