Moral Assessment

moralrating 

Abhorrent

moralratingmoralrating 

Disturbing

moralratingmoralratingmoralrating 

Acceptable

moralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Wholesome

moralratingmoralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Exemplary

Technical Assessment

techrating 

Poor

techratingtechrating 

Below average

techratingtechratingtechrating 

Average

techratingtechratingtechratingtechrating 

Above average

techratingtechratingtechratingtechratingtechrating 

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

bluemoon

Title:

BLUE MOON

Running Time: 

110 mins

Lead Cast:

Eddie Garcia, Christopher de Leon, Dennis Trillos, Butch Anson-Roa, Jennylyn Mercado, Mark Herras

Director: 

Joel Lamangan

Producer: 

Roselle Monteverde-Teo

Screenwriter: 

Allan Tijamo

Music:

Von de Guzman

Editor: 

Marya Ignacio

Genre:

Romance/Drama

Cinematography: 

Lyle Sacris

Distributor:

Regal Entertainment

Location: 

Luzon

Technical Assessment: 

techratingtechratingtechrating_half 

Moral Assessment: 

moralratingmoralratingmoralrating 

CINEMA Rating:  

For viewers age 13 and below with parental guidance

 

Nang malaman ng 83-taong gulang na si Manuel Pineda (Eddie Garcia) na may taning na ang kanyang buhay, napagpasyahan niyang gugulin ang nalalabing anim na buwan ng kanyang buhay upang hanapin ang kanyang tanging mahal na si Corazon. Makakasama niya ang kanyang anak na si Rod (Christopher de Leon) at apong si Kyle (Dennis Trillo).  Ang tatlong henerasyon ng kalalakihan ay may kanya-kanyang sakit dulot na nasirang relasyon sa kabiyak at sa mga ama. Si Rod ay patuloy na nagdadalamhati sa pagkamatay ni Grace at hindi na naging ama kay Kyle, na pansumandali namang hiniwalayan ng asawa. Sa paglalakbay ng tatlo isinalaysay ni Manuel ang kanyang kabataan (Mark Herras bilang batang Manuel) kung kailan nakilala niya ang dalawang Corazon na kanyang minahal (Jennylyn Mercado bilang batang Corazon) at ngayo'y ang isa ang tanging makakapagbuo ng nalalabing panahon ng kanyang buhay.   

Maganda sana ang konsepto ng kwentong Blue Moon (Nasaan Ka Man ang orihinal na pamagat) kaya lang ay hindi mahigpit ang pagkakadirihe nito bilang pelikula. Maraming gustong sabihin ang pelikula kaya't naging malabnaw lang lahat ang mga maliliit na kwentong kasabay isalaysay.  Walang buhay ang pagganap nina Mercado at Herras dahil hindi naisaad ang damdamin na sana'y magpapaliwanag sa paghahangad ng mga nakatatandang Manuel at Corazon. Mabuti na lamang at nabalanse ng kaunti ito sa madamdaming pagganap nina Garcia at de Leon. Nakakatuwang makita ang pagsisikap ng produksyon upang maging tapat sa panahon ng eksena sa pamamagitan ng tumpak na kasuotan, atbp.  Nakababagabag ang musikang inilapat sa halos buong pelikula—iisa ang tono at lubhang nakababagot. Kung minsan ay sumasablay pa ang tunog kaya't sa halip na buuin ang eksena ay nakakagulo lamang ito.  Magaspang din ang pagkakadugtong ng mga eksena.  Sa kabuuan, malaki ang potensyal ng pelikula at sulit namang panoorin kaya nga lang ay maraming aspeto ang pwedeng pagbutihin pa lalo't ito naman ay drama at walang ganong gastos sa produksyon ang kailangan.

May magandang mensahe ang Blue Moon – ang buhay ay isang paglalakbay kung saan lagi kang may pagkakataon ituwid, itama o pagbutihin ang mga nakaraang pagkakamali – kung ito ay pasusumikapan. Paulit-ulit na sasabihin ng mga tao na once in a blue moon, minsan lang sa loob ng napakahabang panahon nangyayari ang mga pambihirang bagay—tulad ng pakikipagbalikan ng mag-asawa, pagkakasundo ng mag-ama, pag-uunawaan ng makakaibigan, pagpapatawad at pagpuno sa mga pagkukulang—minsan nga lamang subalit hindi ito imposible.  At kasing-tiyak ng paglitaw ng dalawang kabilugan ng buwan sa isang siklo, tiyak din ang paghilom at muling pagbubuo ng mga ugnayang nalamatan. Maganda rin ang diing ibinigay ng pelikula sa relasyong pamilya –mag-asawa at mag-ama.  Muli nitong ipinakikita na sa ating mga Pilipino at Kristiyano, higit na mahalaga ang ugnayang-personal kaysa sa anupamang bagay. Sapagkat sa malusog na relasyon mahuhubog ang pagkatao at mabubuo ang sarli ng lubos.

 

(Date Reviewed: 05 January 2006

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS