free hit counter script MOVIE REVIEW - DON'T GIVE UP ON US

Moral Assessment

moralrating 

Abhorrent

moralratingmoralrating 

Disturbing

moralratingmoralratingmoralrating 

Acceptable

moralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Wholesome

moralratingmoralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Exemplary

Technical Assessment

techrating 

Poor

techratingtechrating 

Below average

techratingtechratingtechrating 

Average

techratingtechratingtechratingtechrating 

Above average

techratingtechratingtechratingtechratingtechrating 

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

dontgiveuponus

Title:

DON'T GIVE UP ON US

Running Time: 

153 mins

Lead Cast:

Judy Ann Santos, Piolo Pascual, Hilda Koronel, Rio Locsin, Tommy Abuel, Cheska Garcia, Marjorie Barretto, John Wayne Sace, JC Cuadrado, Marco Alcaraz

Director: 

Joyce Bernal

Producers:

Charo Santos-Concio, malou N. Santos

Screenwriters:

Dindo C. Perez, Carol L. San Pedro, Artemio C. Abad, Jr.

Music:

Raul Mitra

Editor: 

Marya Ignacio

Genre:

Romance/Drama

Cinematography: 

Marya Ignacio

Distributor:

Star CINEMA Prod. Inc.

Location: 

Benguet Province, Manila

Technical Assessment: 

techratingtechratingtechrating 

Moral Assessment: 

moralratingmoralratingmoralrating_half 

CINEMA Rating:  

For viewers 14 and above

 

Si Abby (Judy Ann Santos) ay isang matagumpay at agresibang advertising executive sa Maynila, samantalang si Vince ay isang simpleng at sensitibong mang-aawit sa Baguio. Para kay Abby ang oras ay hudyat ng karera upang magawa sa tamang panahon ang mga plano, subalit kay Vince ang oras ay simula lamang ng maliliit na hakbang patungo kung saan umihip ang pagkakataon. Magtatagpo ang landas nila sa paghahanap ni Abby kay Sabina, ang kanyang matalik na kaibigan at nobya ng kanyang batang kapatid.  Tulad ng inaasahan, magbabanggaan ang magkaibang personalidad ng dalawa.  Magkakaroon ng mumunting pagkakagalit, nakakakilig na away at mga pagkakataong magkakalapit ang loob ng dalawa. Bagamat marubdob ang mga damdamin nila sa isa't isa, mananatili ang tanong:  kaya ba ng isa't isang iwanan ang nakasanayang mundo upang yakapin ang walang katiyakang   alternatibo ng iniirog.

Sa kabuuan, napakagaang panoorin ng pelikula dahil sa maayos na produksyon, nakatutuwang mga sundot sa diyalogo, magandang pagganap ng mga pangunahing tauhan at malinaw na pagkakasalaysay. Maganda ang pagkakasulat at nakakaaliw ang palitan ng salita nina Abby at Vince lalo nuong nag-aasaran pa lamang sila. Buo rin ang paghubog sa mga tauhan kaya't mahigpit ang naratibo. Kaya nga lang, tila naiipit pa rin ang pelikila sa stereotyping at formula na hulaan-ang-susunod-na-eksena.  Naroron pa rin ang labis na pagpiga sa mga eksenang pagkahulog ng loob, paghihiwalayan, at pagkakabati.  Kung minsan, gusto mong sumigaw na "tama na", nakuha na namin ang punto"—dahil babad na babad na ang nanonood sa pagluha ng mga tauhan habang tumutugtog ang theme song ng pelikula.

Dalawang bagay ang magandang talakayin sa pelikula.  Una ay ang dominanteng tema, ang tungkol sa paninimbang sa pag-ibig.  Higit sa romansa at silakbo ng damdamin, ang isang relasyon—lalo yaong pangmatagalan—ay nakabase rin sa maraming bagay tulad ng pagkakasundo at pagkakatuwang ng pagkatao, pagkahandang isakripisyo ang pansariling gusto, at pagbibigayan.  Kailangang mamatay ang isang bahagi ng sarili upang magkaroon ng puwang yakapin ang isang tao sa kanyang kabuuan.  Kung minsan din, mainam na pursigihin hanapin at buuin nang husto ang sarili upang sa pagpasok sa isang relasyon ay buo at matatag ang pagkatao. Sa ikalawang banda, may mga kapuna-punang prinsipyo na taliwas. Tila ipinapahiwatig na kapag ang isang tao ay matagumpay at abala sa propesyon—normal at makatwiran na bale-walain niya ang personal na relasyon at mabuting pakikitungo sa kapwa at magkaminsan ay ituring na pampaalis ng tensiyon ang pagniniig (tulad ng katwiran ng boss ni Abby). Nang walang inihahaing paliwanag, ipinapakita ng pelikula na bahagi na ng pagkakalapit ng isang babae at isang lalaki ang pre-marital sex, at puwede na ring patawarin ang pagtataksil sa kasintahan sa ngalan ng pag-ibig.

 

(Date Reviewed: 13 January 2006)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS