Moral Assessment

moralrating 

Abhorrent

moralratingmoralrating 

Disturbing

moralratingmoralratingmoralrating 

Acceptable

moralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Wholesome

moralratingmoralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Exemplary

Technical Assessment

techrating 

Poor

techratingtechrating 

Below average

techratingtechratingtechrating 

Average

techratingtechratingtechratingtechrating 

Above average

techratingtechratingtechratingtechratingtechrating 

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

eternity

Title:

ETERNITY

Running Time: 

105 mins

Lead Cast:

Dingdong Dantes, Iza Calzado, Mark Herras, Jennylyn Mercado, Hilda Koronel, Jacklyn Jose, Bibeth Orteza, Bobby Andrews, Jaime Fabregas, Pinky Amador, Paw Diaz, Cheska Inigo

Director: 

Mark A. Reyes

Producer: 

Roselle Monteverde

Screenwriter: 

Gina Marissa Tagasa

Music:

Nonong Buencamino

Editor: 

Alex Castaņada

Genre:

Drama/Romance

Cinematography: 

Jay Linao

Distributor:

Regal Entertainment

Location: 

Vigan, Ilocos Sur, Intramuros Manila

Technical Assessment: 

techratingtechratingtechrating 

Moral Assessment: 

moralratingmoralrating 

CINEMA Rating:  

For viewers 14 and above

 

Dalawang kwento ng pag-ibig na isang siglo ang pagitan ang pinagsalit-salit na hinabi sa Eternity. Pang-unang hibla ang kuwento ng mga sawing-palad na magkasintahang Crisanto (Dingdong Nantes) at Milagros (Iza Calzado) na naganap noong sakop pa ng mga Kastila ang Pilipinas.  Pangalawang hibla naman ang kuwento nina Cholo (Mark Herras) at Maegan (Jennylyn Mercado) sa makabagong panahon.  Ipinagbawal ng ina (Hilda Koronel) ni Milagros na makipagkita ito kay Crisanto sapagkat ang ama ni Crisanto ang nakapatay sa rebeldeng ama ni Milagros. Nabunton ang galit niya kina Crisanto at sa ina nito (Jaclyn Jose) na inakusahang isang erehe at mangkukulam. Inakusahan naman siya ng ina ni Crisanto na kerida ng prayle na si Padre Miguel (Jaime Fabregas). Nang pinagtangkaan ng Kastilang si Kapitan de Joya (Bobby Andrews) na gahasain ang nakukursunadahan niyang si Milagros ay ipinagtanggol ito ni Crisanto ngunit  binaril siya ng Kapitan. Nang makitang bangkay ang kaniyang anak ay isinumpa ng ina nito si Milagros na sa palagay niya ay ang dahilan ng maagang pagkamatay ni Crisanto. Isinumpa niyang muli't muling mabubuhay si Milagros at di matatahimik ang kaluluwa nito hangga't di napagbabayaran ng kanyang sariling buhay ang kaniyang kasalanan. Sa makabagong Panahon naman sina Cholo at Maegan na  sa unang pagtatagpo pa lamang ay naakit na sa isa't isa na para bang matagal na silang nagkakilala. Nauulit sa buhay nila ang mga nangyari kay Crisanto at Milagros: tutol din sa pag-iibigan ng dalawa ang kanilang mga pamilya. Nabatid nila na dahil sa maling paratang ay napakulong ng ama ni Cholo ang ama ni Maegan na ikinamatay nito sa sama ng loob. Nilapitan si Cholo at Maegan ng isang medyum o espiritista, si Praxides (Bibeth Orteza), at ito ang nagbunyag na naglalagalag pa ang kaluluwa ni Milagros. Si Maegan lamang ang pag-asang makatatapos ng misyon, makatutupad ng pangako, at makakabali ng sumpa. Ano kaya ang mangyayari kay Maegan at kay Cholo?  Masasalungat kaya nila ang sumpa? Paano matatahimik ang kaluluwa ni Milagros?

Sa mga eksenang kinuha sa Vigan kung saan  pinananatili pa rin ang kulturang Espanyol na makikikita sa mga arkitektura ng gusali, bahay, kalsada, lengguahe, mga kalesa, at kasuotan ay nagging makatotohanan ang paglalarawan ng panahong ng Kastila. Maging ang mga tagpong ginanap sa Intramuros ay nakatulong din sa kapani-paniwalang paglalarawan ng panahon ng pananakop ng mga Kastila sa ating bayan.  Naaangkop sana ang mensahe ng himig na In Another Lifetime na inawit ni Gary Valenciano kaya nga lang ay parang nakakagulat na Kastila at Filipino ang ginagamit sa mga kuwento ay bakit naman biglang kinantahan ng Ingles? Nakatulong sana sa paglilipat-lipat ng panahon ng dalawang kuwento kung may nababagay na tugtugin dito. Mahina ang pag-balangkas ng mga kuwento at parang pilit itinutugma ang mga pangyayari. Madudula at malulungkot ang mga yugtong nauukol kina Crisanto at Milagros samantalang mababaw at nakatatawa naman ang nakararaming eksena nina Cholo at Maegan na napakamura pa para magtangkang magtanan.

Punong-puno ng pagkamuhi, paghihiganti, at kalupitan ang kuwento nina Crisanto at Milagros. Walang nakitang pagpapatawad o pagkakasundo sa mga nagkakagalit na humantong nga sa isang trahedya. Hindi rin maganda ang paglalarawan ng prayle na si Padre Miguel na ipinahiwatig na may kerida at sa halip na tumulong sa pagkakasundo ng mga nag-aalitan ay gumagatong pa rito. Mapanganib ang pagkonsulta sa mga medyum o espiritista sapagkat malamang na saniban ng masamang espiritu. Ang kuwento ay nakabase sa mga temang paranormal at kababalaghang kagaya ng reincarnation (muling pagsilang ng isang kaluluwa sa katawan ng ibang nilalang) o transmigration of souls (paglipat-lipat ng kaluluwa sa ibang katawan), bagay na maaaring maka-ligaw ng isipan at kuru-kuro ng mga manonood. Kung panonoorin ang pelikulang ito, dapat tandaan na ang mga paniniwalang ito ay hindi naaayon sa mga doktrinang Kristiyano. Ayon sa ating pananampalataya ay muling mabubuhay ang mga namamatay sa huling paghuhukom at sa panahong ito ay hahatulan ang bawat isa ayon sa kaniyang gawa. May pagka-romantika ang tema na ang dakilang pag-ibig ay may kapangyarihang mapanumbalik ang nakaraan, maituwid ang pagkakamali, at maaring ipagpatuloy ang pagmamahalan sa kabilang-buhay.  Pinaaalalahanan tayo sa Kristiyanismo na kailangang maglingkod sa Diyos at sa ating kapwa sapagkat sa bandang huli ay magiging batayan ito ng ating hantungan--kaparusahan o kaluwalhatiang walang hanggan. Si Kristo mismo ang nangaral sa atin: "Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay, ay mabubuhay, at sino mang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay di mamamatay magpakailan man" (Jn. 11:26).

 

(Date Reviewed: 08 September 2006)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS