cinema_logo1
banner1

Moral Assessment

moralrating 

Abhorrent

moralratingmoralrating 

Disturbing

moralratingmoralratingmoralrating 

Acceptable

moralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Wholesome

moralratingmoralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Exemplary

Technical Assessment

techrating 

Poor

techratingtechrating 

Below average

techratingtechratingtechrating 

Average

techratingtechratingtechratingtechrating 

Above average

techratingtechratingtechratingtechratingtechrating 

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

firstdayhigh

Title:

FIRST DAY HIGH

Running Time: 

110 mins

Lead Cast:

Jason Abalos, Geoff Eigenmann, Maja Salvador, Gerald Anderson, Kim Chiu, Bembol Roco

Director: 

Mario Cornejo

Producer: 

Marizel Samson

Screenwriter: 

 

Music:

Albert Tamayo

Editor: 

Vito Cajili

Genre:

Musical / Romance

Cinematography: 

 

Distributor:

Star Cinema Productions

Location: 

Francesa de Huma University, Metro Manila

Technical Assessment: 

techratingtechratingtechrating_half 

Moral Assessment: 

moralratingmoralratingmoralrating 

CINEMA Rating:  

For viewers  of all ages

 

Sa unang araw ng klase sa Francesca de Huma University, magpupulupot ang mga landas nina Nathan (Jason Abalos), ang "Mr. Guy" at kaibigan ng lahat, si Indy (Kim Chui) ang "genius girl" na mabigat ang loob sa mga atleta, MJ (Gerald Anderson), ang MVP ng basketball team na hirap na kumawala sa inaasahan ng kanyang kapatid na player, si Precious (Maja Salvador), ang nagpapaka-sosyal at si Gael (Geoff Eigenmann), ang rebeldeng alagad ng sining.  Mapagbibintangan ang limang ito sa isang misteryosong pagkakasakit ng mga basketball players sa araw ng kanilang championship game at iisa-isahin ng Inspektor (Bembol Roco) at ni Nathan ungkatin ang koneksyon ng mga ito sa isa't-isa at sa krimen. Sa banding huli ay malalaman ang tunay na salarin at ang responsibilidad ng bawat isa sa nangyari.

Magaang panoorin ang pelikula dahil maayos ang daloy ng kwento at ng teknikal na aspeto ng produksyon.  Nakatulong din na hinango ang konsepto sa isang komersyal sa telebisyon na makailang ulit nang napanood ng masa, kaya't pamilyar kaagad ang mga ito sa mga elemento ng pelikula, tulad halimbawa ng paggamit ng tanging kulay upang ipakita ang personalidad at kinabibilangang grupo ng mga estudyante. May kiliti ang naratibo na sinibukang maging daang krus ng komedya, romansa, musical at teatro. Bilang isang romantic comedy ay hindi mahuhuli ang pelikula at kagigiliwan ito, subalit bilang musical ay medyo may ka-kornihan ang mga kanta at pamamaraang ginamit. Maliban sa pambungad na bahagi, ang mga sumusunod na musical numbers at parang MTV na lamang at di gasinong malikhain.

May mga magagandang aral na mapupulot ang mga manunuod sa istorya. Unang-una ang binigyang diin ni Inspektor kay Nathan, "It is good to be the nice guy, but it is better to do what is right." Hindi laging mainam ang magmukhang mabait sa iba o magiliw sa kaibigan kung isasakripisyo naman kung ano ang tama at tuwid.  Ipinakita rin na hindi mo man sadya o wala ka mang malisya sa iyong nagawang pagkakamali ay hindi pa rin nawawala ang pananagutan mo rito. Sa huli, may kaangkop na parusa ang may sala, kahit pinagaan na lamang ito ng pakikibahagi ng kanyang mga kaibigang tinulungan. Ang ikalawang aral ay ang pagkilala, pagiging tapat at pagmamalaki sa tunay na sarili. Sapagkat sa kaibuturan ng puso ng tao – kahit gaano man kabigat na ang impluwensya ng iba't ibang tao, kinikimkim na hinanakit, maling akala, at iba pa – nananatili ang dalisay na kabutihan at likas na kagalingan. Magandang halimbawa rito si Pre na inakalang sosyal, mayaman at magarbo lamang, ngunit sa tulong mismo ng grupo ng mga "sosi" sa kanyang eskwela ay namulat siya sa kahaagahan ng pagkakaroon ng kumpyansa sa tunay na sarili, pagsuporta sa kaayusan, pagiging responsable sa mga tungkulin. Mainam panoorin ng pamilya ang pelikula kung hanap nila ay aliw na may magandang mensahe.

 

(Date Reviewed: 29 September 2006)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS