|
|
|
|
|
Abhorrent
|
|
|
Disturbing
|
|
|
Acceptable
|
|
|
Wholesome
|
|
   
|
Exemplary
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
VA
|
For viewers of all ages
|
|
V13
|
For viewers age 13 and below with parental guidance
|
|
V14
|
For viewers 14 and above
|
|
V18
|
For mature viewers 18 and above
|
|
NP
|
Not for public viewing
|
|
|
|
|
|

|
Title:
|
I WILL ALWAYS LOVE YOU |
|
Running Time:
|
110 mins
|
|
Lead Cast:
|
Angel Locsin, Richard Gutierrez, Jean Garcia, Amy Austria, Lloyd Samartino, Suzette Ranillo, Miriam Pantig, Bearwin Meily, Tuesday Vargas,
James Blanco, Bianca King
|
|
Director:
|
Mac Alejandre
|
|
Producers:
|
|
Lily Monteverde, Roselle Monteverde-Teo, Annette Gozon
|
|
|
Screenwriters:
|
|
|
Music:
|
|
|
Editor:
|
|
|
Genre:
|
Love Story
|
|
Cinematography:
|
Lee Meily, Rolly Manuel
|
|
Distributor:
|
Regal Films, GMA Films
|
|
Location:
|
Manila, Philippines, San Francisco, California
|
|
Technical Assessment:
|
 
|
|
Moral Assessment:
|
 
|
|
CINEMA Rating:
|
For viewers 14 and above
|
|
|
|
Mayaman at spoiled si Justin (Richard Gutierez); simpleng probinsyana naman si Cecile (Angel Aquino), at sa pagtatagpo nila ay umusbong ang pag-iibigan. Dahil sa pagkakaiba ng katayuan sa buhay, hindi sang-ayon ang ina ng binata (Jean Garcia) sa relasyon ng dalawa kaya't pinapunta niya si Justin sa Amerika. Gumawa naman ng paraan si Justin upang sumama si Cecile sa Amerika. Pinag-aral niya ang dalaga at sinuportahan at pinalabas na kagustuhan ng kanyang ina. Subalit nang sumunod sa Amerika ang ina ni Justin at natuklasan ang ginagawa ng kanyang anak ay kinompronta niya ang dalaga. Bumalik si Cecil sa Pilipinas samantalang si Justin ay humiwalay sa kanyang magulang at sinuportahan ang sarili. Nang magbalik si Justin sa Pilipinas upang hanapin si Cecil, malalaman niyang ikakasal na ito.
Gasgas na gasgas na nga ang tema ng mayaman at mahirap na pag-iibigan, lalo pa itong pinanipis ng pagkakasulat at
pagkakadirihe na nagbigay-tuon lamang sa mga nakakakilig na eksena sa gitna ng kagandahan ng San Francisco para mapasaya ang mga tagahanga ng magkatambal. Ang script ay sadyang di makatotohanan. Pawang karikatura at iisa ang dimension ng mga tauhan--may ina pa bang ganyang ka-matapobre, may babae pa bang ganyang maghabol, may kasintahan bang tatalikod na lamang pagkatapos makitang akap ang dating kasintahan ng babaeng pumayag na magpakasal sa iyo Wala ring kabuhay-buhay ang pagganap ng mga pangunahing tauhan, mabuti na lamang at magaling sina Garcia at Austria, at maging mga supporting performers na nagsusundot ng katatawanan. Tanging ang magandang tanawin ng San Francisco lamang ang bagong tatangkilikin ng manunuod. Babad din sa mga MTV moments ang pelikula na tila pampahaba at pampakilig lamang ang silbi. Sayang ang ginastos sa pangingibang bansa. Sana ay kumuha na lamang ng mas magaling na manunulat.
Bagamat walang taliwas sa kagandahang-asal o turo ng simbahan sa pelikula, wala rin naman mahalagang aral na ibinibigay ito.
Kahit na sabihing pinilit nitong talakayin na ang pag-ibig ay nangangailangan ng sakripisyo tulad ng ginawa ni Justin para madala si Cecil sa Amerika o ang pagtratrabaho niya para patunayan ang kanyang halaga sa kasintahan. Nakakainsulto sa katalinuhan ng manonood ang pelikula. Kakatwa naman na inabot ng tatlong taon na hindi man lamang niya tinawagan, sinulatan o kinontak kahit paano ang dalaga nang ito ay umuwi sa Pilipinas, at pagkatapos ay aasahan niyang sa pagbalik niya ay basta na lamang mabubuo muli ang kanilang relasyon. Sa isang banda, mabuti na naging tapat si Cecil sa sarili na umatras sa kasal kung hindi naman talaga niya mahal ang mapapangasawa subalit hindi naman tama na umabot na sa paglalakad patungong altar bago siya matauhan sa kanyang tunay na damdamin. Paano naman ang damdamin, kahihiyan at sakripisyo ng kanyang pinaasang kasintahan? Para sa mga tagahanga na ang hanap lamang ay mga nakakikilig na eksena, mabibigyang katwiran ang mga sandaling ito. Sasabihin mo sa sarili na "kapag tunay ang pag-ibig, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang!" OO nga't romantic--ngunit
hindi makatarungan, dahil kahit sa pag-iibigan ng dalawang tao, may mga dapat isa-alang-alang bukod sa sarili. Ang isa pang maliit, subalit nakababagabag na punto ay ang patutsada
sa kalagayan ng propesyon ng nurse sa bansa.
Kahit sabihing totoo na hindi gaanong maganda kung minsan, hindi rin nakatutuwa na ipagdiinan na dapat ay sa ibang bansa na lamang magtrabaho. Dapat bang panoorin ito? Sa halaga ng isang tiket sa sine, nakakamura kayo kung ang pakay nyo'y magpasyal sa San Francisco; pero kung gusto niyong busugin naman ang utak ninyo sa sinehan, ipambili nyo na lang ng korniks ang pera nyo. At least, yung tiyan nyo, malalamanan.
(Date Reviewed: 10 February 2006)
|
|
|
|