cinema_logo1
banner1

Moral Assessment

moralrating 

Abhorrent

moralratingmoralrating 

Disturbing

moralratingmoralratingmoralrating 

Acceptable

moralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Wholesome

moralratingmoralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Exemplary

Technical Assessment

techrating 

Poor

techratingtechrating 

Below average

techratingtechratingtechrating 

Average

techratingtechratingtechratingtechrating 

Above average

techratingtechratingtechratingtechratingtechrating 

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

tilimetyou

Title:

TIL I MET YOU

Running Time: 

90 mins

Lead Cast:

Robin Padilla, Regine Velasquez, Eddie Garcia, Marcky Cielo, Jackie Rice, Kuh Ledesma, Pekto

Director: 

Mark A. Reyes

Producers:

Vic del Rosario Jr., Annette Gozon-Abrogar

Screenwriters:

Annette Gozon-Abrogar, Benedict Migue

Music:

Allan Feleciano

Editor: 

Marya Ignacio

Genre:

Romance

Cinematography: 

 

Distributor:

GMA Films/Viva Films

Location: 

Tagaytay

Technical Assessment: 

techratingtechratingtechrating 

Moral Assessment: 

moralratingmoralratingmoralratingmoralrating_half 

CINEMA Rating:  

For viewers  14 and above

 

Ipinakilala sa buong hacienda ni Don Manuel (Eddie Garcia), isang milyonaryo ngunit matandang asendero, si Luisa (Regine Velasquez), ang babaeng nais niyang pakasalan. Ang pagkakaalam ng lahat ay nagbuhat sa isang mayamang angkan at laki sa Amerika si Luisa, subalit "nakaka-amoy" ng pagpapanggap sa dalaga si Gabriel (Robin Padilla), ampon at katiwala ni Don Manuel.  Pagkat mahal niya at ayaw niyang malinlang ang lalaking umampon sa kanya, tapatang sinabi ni Gabriel kay Don Manuel ang hinala niya tungkol kay Luisa subalit binale-wala ito ng matanda.  Isang araw, gawa ng ilang pangnegosyong problema, kinailangang lumuwas nang biglaan ni Don Manuel sa Maynila.  Minabuti ni Don Manuel na ihabilin si Luisa kay Gabriel habang siya'y nasa malayo upang makilala nang lubos ng lalaki ang dalaga at mawala ang mga hinala niya tungkol dito.  Di naglaon, may nalaman si Gabriel tungkol sa nakaraan ni Luisa na nagpapatunay na tama ang kanyang hinala.

Dalawang "extremes" sa aspetong teknikal ang pinaghahalo sa pelikulang Till I Met You: kakornihan at karubduban.  Bubuntong-hininga ka na lang at ititirik ang mga mata mo sa kabagot-bagot na tangka nitong mangiliti o magpatawa, sa eksaheradong pag-arte, sa kanipisan ng pagsasa-tauhan (character development), sa nakakainip na takbo ng istorya na lalo lamang pinababagal ng kababawan ng script.  Sa kabilang dako, lalo na sa ikalawang kahati ng pelikula, gawa ng daloy ng kuwento, nabawasan ang kabaduyan ng pangongomedya, naging marubdob ang pag-arte, nagsikap maging totoo na ang mga tauhan, umayos ang takbo ng istorya, nagkalaman ang dialogue, at naging maliwanang ang mensahe ng pelikula.

Hindi na mahirap magpikit-mata sa mga kakulangang teknikal ng Tell I Met You kung ang isasa-alang-alang mo lamang ay ang mabuting balitang isinasaad nito---na higit na mahalaga kaysa pangsariling kasiyahan ang pagiging tapat sa relasyon, ang pagtanaw ng utang-na-loob sa gumawa ng kabutihan sa iyo, ang paghihintay sa tamang panahon upang bigyang-daan ang umuusbong na pag-iibigan, ang pagpaparaya alang-alang sa malayang pagdedesisyon ng isang minamahal.  Sa panahong "okay na okay" na sa mga tao ang maging makasarili, idinidiin ng pelikula na may mga bagay pang higit na mahalaga kaysa sa sarili. Sinasabi ng Tell I Met You na hindi dahilan ang masaklap na nakaraan or pagkabata upang tuluyang malulong sa kasawiang palad ang tao; may malaking puwang sa puso ng tao na maaaring tamnan ng punla ng kabutihan tungo sa isang maliwanag na kinabukasan.

 

(Date Reviewed: 13 October 2006)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS