cinema_logo1
banner1

Moral Assessment

moralrating 

Abhorrent

moralratingmoralrating 

Disturbing

moralratingmoralratingmoralrating 

Acceptable

moralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Wholesome

moralratingmoralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Exemplary

Technical Assessment

techrating 

Poor

techratingtechrating 

Below average

techratingtechratingtechrating 

Average

techratingtechratingtechratingtechrating 

Above average

techratingtechratingtechratingtechratingtechrating 

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

ANG CUTE NG INA MO 

Running Time: 

100 mins

Lead Cast:

AiAi de las Alas, Anne Curtis, Luis Manzano, Eugene Domingo, John Lapus, DJ Durano, Nikki Bacolod, Vince Saldana

Director: 

Wenn Deramas

Producers:

Vincent del Rosario, Veronique del Rosario Corpus

Screenwriter:

Mel Mendoza-Del Rosario, Arlene Tamayo, Wenn Deramas

Music:

Vince de Jesus

Editor: 

Marya E. Ignacio

Genre:

Comedy

Cinematography: 

Sherman So

Distributor:

Viva Production Inc.

Location: 

Malabon

Technical Assessment: 

techratingtechratingtechrating

Moral Assessment: 

moralratingmoralratingmoralrating10 

CINEMA Rating:  

For viewers13 and below with parental guidance

 

Si Christine (Anne Curtis) ay ipinanganak sa Melbourne, Australia ng magkasamang Australyano at ang kanyang Pinay na ina na si Georgia (Ai-Ai delas Alas). Pagkalipas ng dalawampung taon ay binalak ng Australyanong ama ni Christine na pakasalan si Georgia ngunit tumutol siya. Masama ang loob niya dahil akala niya ay natiis ng kanyang ina na hindi sila balikan sa Melbourne, Australia pagkatapos ng mahabang panahon. Bumalik siya sa Pilipinas kasama ng kanyang yaya, Nanny Ninonu (Eugene Domingo) upang patunayan na hindi karapat-dapat si Georgia sa kanyang ama. Mistula namang piyesta ng bayan ang inihanda ni Georgia sa pagdating ni Christine. Habang pinagsisikapan niyang mapamahal sa anak ay patuloy naman si Christine sa pakana nitong siraan ang kanyang ina. Nang lumaon ay nawili na rin siya sa Malabon at napalapit sa ampon ng kanyang ina na si Val (Luis Manzano) samantalang nakursunadahan naman ni Nanny Ninonu ang baklang katulong na si Junjun (John Lapus). Natuklasan ni Val ang video camera kung saan isinusumbong ni Christine sa ama ang mga kapintasan ni Georgia. Galit na bumalik sa Pilipinas ang Australyano upang harapin si Georgia. Huli na nang mabatid ni Christine ang kanyang mga pagkakamali. Paano kaya malulutas ang mga napakagusot na pangyayari?

Mababaw at slapstik na komedya ang pelikulang ito. Sapagkat patok sa takilya ang Tanging Ina ni AiAi de las Alas ay sinundan ito ng Ang Cute ng Ina Ko. Itinaon ang pagpapalabas sa Pasko ng Pagkabuhay nang umano’y maka-aliw sa mga tao ngunit mas malakas ang dating na pang-komersyal ang pelikula. Nababagay at natural ang pagkakaganap ni Anne Curtis sa kanyang papel sapagkat talaga namang laking Australya ito. May kapilyuhan ang isiningit na eksena na paghuhubad ni Luis Manzano nang maligo sa labas dahil as nalublob ito sa patisan. Inuulit ang mga popular na linya sa ibang pelikula, telenovela, at mga pulitiko at hinahalo sa diyalogo. Kahit hindi kapani-paniwala ay pilit kinukuha ang kiliti ng mga tao sa mga eksena kagaya halimbawa nang maiwanan si AiAi sa eroplano, nang ginawa siyang hostage at dinala pa sa tuktok ng mataas na billboard, at nang nahulog siya sa isang talon (waterfall).

Ang magandang aral na mapupulot ay ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. Sa katunaya’y ipinangalan pa nga ni Georgia kay Christine ang produkto nitong patis. Humingi ng kapatawaran si Christine at ang kanyang ama kay Georgia sa kanilang pagkakamali. Ngunit sa kabuuan ay pangit ang paglalarawan ng kababaihan sa pelikula: nagka-anak sa isang dayuhan si Georgia na hindi pa nakakasal, nagpakasal si Georgia sa negosyante ng patis makaahon lang sa kahirapan, may kabit ang Australyanong ama ni Christine, walang respeto si Christine sa kanyang ina na pilit niyang sinisiraan, marahas ang pagaaway nina Georgia at Nanny Ninonu, sinuntok ng baklang si Junjun ang yaya na nahuhumaling sa kanya. Sa mga magdadala ng bata sa pelikulang ito, makabubuting ipaliwanag sa kanila na may mga bagay na hindi dapat pagtawanan at tularan sapagkat makasasama ang mga ito hindi lamang sa kanilang kapwa kundi na rin sa kanilang sariling pagkatao.

 

(Date Reviewed: 13 April 2007)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS