cinema_logo1
banner1

Moral Assessment

moralrating 

Abhorrent

moralratingmoralrating 

Disturbing

moralratingmoralratingmoralrating 

Acceptable

moralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Wholesome

moralratingmoralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Exemplary

Technical Assessment

techrating 

Poor

techratingtechrating 

Below average

techratingtechratingtechrating 

Average

techratingtechratingtechratingtechrating 

Above average

techratingtechratingtechratingtechratingtechrating 

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

entengkabisote3

Title:

ENTENG KABISOTE 3

Running Time: 

100 mins

Lead Cast:

Vic Sotto, Kristine Hermosa, Bing Loyzaga, Oyo Boy Sotto, Giselle "G" Tongi, Jose Manalo, Aiza Seguerra, Antonio Aquintana, Allan K

Director: 

Tony Y. Reyes

Producer: 

 

Screenwriters:

 

Music:

 

Editor: 

Renewin Alan

Genre:

Comedy/Fantasy

Cinematography: 

 

Distributor:

Octo Arts Films

Location: 

 

Technical Assessment: 

techratingtechratingtechrating 

Moral Assessment: 

moralratingmoralratingmoralrating_half03 

CINEMA Rating:  

For viewers 14 and above

 

Sawa na si Faye (Kristine Hermosa) sa pambabae at pandaraya ng kliyente ng kanyang asawang si Enteng (Vic Sotto) kung kaya't pinalayas niya ito ng bahay. Matatauhan naman si Enteng at babalik na ng kanilang tahanan para humingi ng tawad sa kabiyak pero mauudlot ito sapagka't lalamunin siya ng lupa, kasama na ang kanyang alalay na si Jose (Jose Manalo). Magsisimula ang mga adbentyur ng dalawa sa pagtakas nila mula sa malabungong dambuhala, hanggang sa "pagluluto" sa kanila ng isang tribong taga-bundok at pagliligtas nila sa isang kawan ng mga nilalang na tila mga kalahi ng mga Ewok.  Samantala, ang enkantadang ina naman ni Faye, si Ina Magenta (Giselle Toengi) ay takdang sumagupa sa isang masamang enkantada, si Satana (Bing Loyzaga), sa kaharian ng Engkantasya.

Hindi sa katinuan ng kuwento nakabase ang takbo ng Enteng Kabisote 3, kaya't humanda kayong mataranta sa takbo ng mga pangyayari.  Huwag na kayong magtaka at tila walang tinutumbok ang istorya.  Kung hanap ninyo'y kababalaghang gawa ng computer, marami ito, ngunit hindi ito Harry Potter o Lord of the Rings sa kinis at galing ng pagkakagawa.  Huwag na rin kayong maghanap ng husay ng pagganap o matalinong script pagka't hindi rin dito nakasalalay ang tagumpay ng pelikula.  Ang Enteng Kabisote 3 ay para lamang pinahabang Eat Bulaga na nilahukan ng Encantadia---katatawanan at kababalaghan, ang pormula ng pelikulang patok sa panlasa ng Pinoy, ikinalulungkot man naming itong sabihin.

Kahit na sabihin pang ang Enteng Kabisote 3 ay may masasabing kabuluhan na rin gawa ng pagsasagupa ng kabutihan at kasamaan, malabo pa rin ang mensahe nito dahil nasasapawan ito ng halo-halong slapstick, martial arts na hilaw, at komedyang walang utak. Maaaring magtaka kayo, tulad namin, at nanalo ito bilang Best Picture sa Manila Film Festival 2006, ngunit kung malalaman ninyo na ang kalakhan (40%) ng sukatan pala ng MFF ay "commercial viability", mauunawaan na ninyo kung bakit dito napunta ang korona ng nagwagi. Hindi naman sa nakikialam ang CINEMA---nagtatanong lang: Paano kaya aangat ang industriya at sining ng pelikulang Pilipino kung ang batayan ng kahusayan ng pelikula ay ang galing nitong humatak ng pera sa takilya?  Gagasta ba kayo ng piangpagurang pera para mabagot sa sinehan?  Marami nang mabibili ang pang-sine ninyong 140 pesos: anim na kilong bigas, o isang matabang litsong manok, o 14 na tuhog ng barbecue, o isang kilong ubas. Pili kayo!

 

(Date Reviewed: 04 January 2007)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS