cinema_logo1
banner1

Moral Assessment

moralrating 

Abhorrent

moralratingmoralrating 

Disturbing

moralratingmoralratingmoralrating 

Acceptable

moralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Wholesome

moralratingmoralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Exemplary

Technical Assessment

techrating 

Poor

techratingtechrating 

Below average

techratingtechratingtechrating 

Average

techratingtechratingtechratingtechrating 

Above average

techratingtechratingtechratingtechratingtechrating 

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

facesoflove

Title:

FACES OF LOVE

Running Time: 

100 mins

Lead Cast:

Christopher de Leon, Angel Aquino, Juliana Palermo, Alfred Vargas, Mon Confiado, Bembol Roco

Director: 

Eddie Romero

Producer: 

Eddie Romero

Screenwriters:

Eddie Romero, Rica Arevalo

Music:

Jobin Ballesteros

Editor: 

Ron Dale

Genre:

Drama.Romance

Cinematography: 

Jun Aves

Distributor:

 Independent

Location: 

Manila

Technical Assessment: 

techratingtechratingtechrating07 

Moral Assessment: 

moralratingmoralratingmoralrating10 

CINEMA Rating:  

For viewers age 13 and below with parental guidance

 

Nang mabiyuda si Don Arcadio (Christopher de Leon), tanging ang mga misteryosong love letters na  ipinapadala sa kanya ang nagpapasaya dito. Ngunit makalipas ang maraming taon, biglang huminto ang pagdating ng mga sulat kaya nagpasya siyang kunin ang serbisyo ng isang abogado at imbestigador na si Toby (Alfred Vargas) upang alamin kung kanino nanggagaling ang mga sulat.  Sa pangangalap ni Toby ng impormasyon ay malalaman niyang minsang nagkaroon ng ugnayan si Don Arcadio at ang nurse na si Ligaya (Angel Aquino). Hindi na nahirapan si Toby na hanapin si Ligaya dahil sinamahan siya ng pamangkin ni Don Arcadio na si Skip (Juliana Palermo). Pagdating sa kinaroroonan ni Ligaya ay malalaman nilang biyuda na rin pala ito at napatay sa kulungan ang kanyang asawang si Leandro na pinaghihinalaang lider ng mga rebelde. Ibinalita ni Toby at Skip ang mga ito kay Don Arcadio at kinumbinsi nilang puntahan niya si Ligaya upang damayan man lang. May mabuo kayang ugnayan muli sa kanilang dalawa?  Si Ligaya nga ba ang nagpapadala kay Don Arcadio ng mga sulat?

Ang Faces of Love ang pagbabalik pelikula ng ating National Artist for Film na si Eddie Romero na nakilala sa kanyang mga klasikong obra tulad ng Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon at marami pang iba. Ito ang kauna-unahang digital film ng respetadong direktor. Hindi maitatatwang sa kanya nga ang Faces of Love dahil sa makaluma nitong diyalogo at payak na pagkakabuo. Naging abala ang kuwento kay Don Arcadio samantalang mas may buhay ang kuwento ni Ligaya at Leandro pati na ang kaugnayan nila sa pulis na papel ni Bembol Roco. Marami ring karakter na tila napabayaan at paminsan-minsan ay naliligaw ang manonood sa tunay na buod ng kuwento. Naging mahusay naman ang mga artista sa kanilang papel. Sayang nga lang at pawang hindi naging gaanong angkop ang pananalita ng mga nagsiganap na pawang makalumang Pilipino ang salitang ginamit. Epektibo naman ang paggamit ng mga simbolismo tulad ng tsokolate at typewriter na siyang naglubid sa buong istorya.

Sa kabila ng mga kakulangang teknikal, naging hitik naman ang pelikula sa magagandang mensahe ng pag-ibig. Nangunguna na rito ang mensahe ng pagsasakripisyo ng kaligayahan alang-alang sa iba. Kahanga-hanga ang karakter ni Ligaya na nagawang isakripisyo ang lahat alang-alang sa pag-ibig sa asawa.  Kitang-kita na dalisay ang hangarin nito sa pag-iwas sa masama. Isang makabagong babae rin ang ipinakita niyang tapang at lakas ng loob na ipaglaban ang tama hanggang sa huli. Si Skip bagama"t modernong babae ay nagpakita pa rin ng konserbatibong pananaw ukol sa tunay na kahulugan ng pag-ibig na hindi kailanman masusukat sa yaman at salapi lamang. Sa kabila ng mga mensaheng ito, dapat pa ring gabayan ang mga batang manonood sa mga sensitibong tema na ipinakita tulad ng pagrerebelde, pagpapakamatay, at pag-iibigan ng mga magkatulad na kasarian. Sa kabuuang konteksto ng pelikula, namamayani naman ang iba't-ibang mukha ng pag-ibig bagama't hindi lahat ay wagas; sa bandang huli, ang kabutihan pa rin ng puso ang namamayani.  Sinasabi ng Faces of Love na walang kasing-sarap ang umibig kung dalisay ang puso at malinis ang layunin.

 

(Date Reviewed: 23 February 2007)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS