cinema_logo1
banner1

Moral Assessment

moralrating 

Abhorrent

moralratingmoralrating 

Disturbing

moralratingmoralratingmoralrating 

Acceptable

moralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Wholesome

moralratingmoralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Exemplary

Technical Assessment

techrating 

Poor

techratingtechrating 

Below average

techratingtechratingtechrating 

Average

techratingtechratingtechratingtechrating 

Above average

techratingtechratingtechratingtechratingtechrating 

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

GREEN PARADISE 

Running Time: 

90 mins

Lead Cast:

Christine Reyes, Andrew Schimmer, Kris Martinez, Joel Torre, Rio Locsin, Jiro Manio

Directors: 

Esmeraldo “Bing” Santos, Kant Leung

Producer:

New City Entertainment

Screenwriter:

Dino Erece

Music:

Kiko Ortega

Editor: 

Juancho Gloriani

Genre:

Adult (Sex)/ Drama

Cinematography: 

Romulo Araojo

Distributor:

New City Entertainment

Location: 

Rural/ Beach Area, Philippines

Technical Assessment: 

 

Moral Assessment: 

  

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

May pangarap si Ronaldo (Joel Torre) na makaahon ang pamilya sa hirap at makatunton sa Maynila kung kaya’t tuwing may mga turistang bisita sa resort na pinagtatrabahuhan ng kanyang pamilya ay ang kanyang anak na dalagang si Cristina (Christine Reyes) ang inihaharap niya sa pag-asang matitipuhan siya ng mga kalalakihan. Nang minsang nagbakasyon ang playboy na si Louie (Andrew) sa resort ay agad siyang nabighani kay Cristina at nagsumikap siya na mahulog sa kanya ang dalaga kahit na may kasintahan na ito.  Di naman naglaon ay nagkagustuhan ang dalawa, subalit nang malaman ni Louie na pangarap na makaahon sa hirap lamang ang nagtulak kay Cristine upang makipag relasyon sa kanya ay gumawa siya ng paraan upang makaganti.  Huli na nang matauhan siya na si Ronaldo lamang ang may pakana ng tila pagka-oportunista ni Cristine.

Magulo ang pagkakalahad ng kwento at sa dami ng mga eksenang pinahaba ay natabunan na ang buod ng istorya.  Napakaraming kakulangang ang pelikula, kapwa sa  teknikal at malikhaing aspeto.  Una, ang di magandang interpretasyon ng mga eksena at ang pagdaloy ng kwento. Ikalawa, walang latoy ang pagganap ng mga pangunahing tauhan.  Maliban kina Locson at Torre, walang talento ang mga gumanap maliban sa pagkabisa ng diyalogo at paghubad ng damit.  Nakakaasiwa ang paglalapat ng musika dahil hindi na nga maganda ang tugtog, nakababad pa ito sa mahahabang eksena.  Nakakatawa ang palitan ng salita dahil paulit-ulit at wala halos saysay at pinalala pa ng walang damdaming pagbigkas ng mga artista.  Sinayang din ng sinematograpiya ang magagandang tanawin ng baybay dagat at bundok.  Hindi man lang nakabibighani ang mga kuha.  Ang pagdugtong ng eksena ay patalon-talon at hindi suwabe ang pagpapalit.

Napakababa ang pagturing sa kababaihan kapwa sa istorya at sa produksyon.  Para sa karamihan sa mga tauhan sa pelikula ang babae ay solusyon lamang sa kahirapan (tulad ng pagturing ni Ronaldo sa kanyang anak),  at sa tawag ng laman (tulad ng tingin ni Louie at ng kanyang mga kabarkada).  Wala rin paggalang ang produksyon sa mga artistang babae dahil sinamantala lamang ang kanilang kagustuhang maging artista upang magbilad ng kanilang mga katawan.  Karamihan sa mga “sex scenes” ay hindi naman kailangan at sadya lang binabad ang kuha ng kamera upang ibenta sa mga manunuod na gusto ng panandaliang aliw.  Hindi rin maganda ang pagturing sa relasyon at pagmamahalan.  Napakababaw at marupok. Kaunting tukso nagtataksil, kaunting problema at nagbabagong loob.  Mahalaga sa dalawag tao na papasok sa relasyon na kapwa sila nagmamahalan at hindi baling patay ang pagtingin sa relasyon basta’t ang isinasa-alang-alang lamang ay ang sariling nararamdaman.  Ang katwiran ni Miguel (ang dating kasintahan ni Cristine), na “sapat na ang pagmamahal niya para sa kanilang relasyon” ay naka-ugat sa baluktot na prinsipiyo.  Bagama’t dakila na magmahal kahit hindi sinusuklian, isa naming kahangalan ang ipilit na magsama kahit na ginagawa ka lamang panakip-butas sa pagkawala ng tunay na minamahal ng isa.  Walang mahihitang mainam sa panunuod ng pelikulang ito, masasayang lamang ang oras at perang gugugulin.

 

(Date Reviewed: 23 November 2007)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS