Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

lisensyadong kamao

Title:

LISENSYADONG KAMAO

Running Time: 

96 min.

Lead Cast:

Manny Pacquiao, Juliana Palermo, Aubrey Miles, Eddie Garcia, Daria Ramirez, Ramon Zamora, Charlie Davao, Dick Israel, Mengie Cobarrubias, Bianca Pulmona, Jack Bernal, Rona Reyes, Robert Correa

Director: 

Tony Bernal

Producer: 

Violeta C. Sevilla

Screenwriter: 

Serge Custodio, Jr.

Music:

Edwin Ortega

Editor: 

Renato de Leon

Genre:

Action/Drama

Cinematography: 

Alfonso Alvarez

Distributor:

Violett Films Production

Location: 

Manila

Technical Assessment: 

• • •

Moral Assessment: 

+ + + ½

CINEMA Rating:  

For viewers age 13 and below with parental guidance

 

Magaling sa suntukan ang magbabalot na si Ambrosio Lerio, kilala bilang "Bruce" (Manny Pacquiao), kasintahan ni Fanny (Aubrey Miles).  Maganda sana ang kanyang kinabukasan sa larangan ng boxing kundi lamang siya nasuspindi nang mamatay ang kanyang kalaban sa ring, gawa ng matinding tama ng kaniyang kamao. Ngunit hindi maitago ang husay niya rito, na nadiskubre ng mga pulis at mga istambay nang minsang mapaaway siya pagkat pinigil niya ang pagsusuntukan ng mga batang kalye na pinagpupustahan ng mga miyembro ng sindikato. Naging simula na ito ng pagkakakilala sa kanya ng maraming taong mahilig sa boxing, hanggang sa hawakan na siya at ilaban sa championship ng isang kilalang  manager (Eddie Garcia). Higit sa lahat, kagustuhan ni Bruce na maipagamot ang may sakit na ina (Daria Ramirez) at ang bulag na kapatid, at maghanda ng magandang kinabukasan para sa kanila ni Fanny. 

Hati ang Lisensyadong Kamao pagdating sa mga technical aspects ng pelikula.  Maganda ang istorya at ang takbo nito. Mahusay ang pagkakakuha mga eksenang pang-boxing—ang pag-eensayo ng mga boksingero, ang mga pakikipagbabag ng mga istambay at mapang-api kay Bruce, atbp.  May katapatan din ang pagarte ng mga tauhan, subalit hanggang doon na lamang. Pagkat mga amateur ang ilang mga artista (tulad ni Pacquiao), lumabas na pilit ang dialogue—halatang-halata na kinabesa lang ang mga linya pagkat bagama't walang mali, kulang naman sa damdamin ang delivery.  Pati ang pagkilos minsa'y matigas at self-conscious ang dating.

Sapagkat tiyak nating panonoorin ang pelikula dahil lamang sa Pilipinong world boxing champion na si Pacquiao, patatawarin na lang natin ang mga kakulangan sa technical side ng Lisensyadong Kamao, lalo pa't makikita nating hitik na hitik ang pelikula sa kabuluhan. Napapaloob sa pagkatao ni Bruce ang karamihan ng mga good values ng pelikula: pagkamabuting anak; kabutihang-asal; pagpapatawad at pakikipagbati; ang pag-iwas sa sugal at iba pang mga bisyo; ang paglaban sa mga gawi ng mga masasamang-loob; pagpapakasakit alang-alang sa ikabubuti ng pamilya; ang katapatan at kalinisan ng hangarin sa pag-ibig; ang lakas ng kalooban sa panahon ng tukso. Bagama't nakasasabik panoorin ang mga eksenang suntukan, hindi nito natabunan ang ng mga aral na hatid ng Lisensyadong Kamao. Magandang panoorin ng pamilya.

(Date Reviewed: 09 September 2005)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS