cinema_logo1
banner1

Moral Assessment

moralrating 

Abhorrent

moralratingmoralrating 

Disturbing

moralratingmoralratingmoralrating 

Acceptable

moralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Wholesome

moralratingmoralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Exemplary

Technical Assessment

techrating 

Poor

techratingtechrating 

Below average

techratingtechratingtechrating 

Average

techratingtechratingtechratingtechrating 

Above average

techratingtechratingtechratingtechratingtechrating 

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

MONAY

Running Time: 

mins

Lead Cast:

Manuel Urbano Jr, Leo Martinez, Richie Adamos, Rex Cortez, Tirzo Cruz III, Ricky Davao

Director: 

Manuel Urbano Jr.

Producer:

 

Screenwriter:

Manuel Urbano, Jr.

Music:

 

Editor: 

 

Genre:

Comedy

Cinematography: 

 

Distributor:

Onabru Productions

Location: 

New Zealand

Technical Assessment: 

techratingtechratingtechrating07 

Moral Assessment: 

moralratingmoralratingmoralrating10 

CINEMA Rating:  

For viewers 14 and above

 

Nagsimula ang M.O.N.A.Y. sa isang disyerto sa Mongolia , kung saan sakay ng isang kabayo ang katutubong si Mr. Shooli (Jun Urbano).  Magloloko ang kabayo kung kaya’tmnamahinga muna si Mr. Shooli sa isang tolda.  Dito niya matatanggap ang balitang nasa bingit na ng kamatayan ang kanyang tatay-tatayan na si Mr. Garci , na siyang nag-alaga at nagpalaki kay Mr. Shooli nang siya’y maulila sa Pilipinas.  Magnanasa si Mr. Shooli na bumalik sa Pilipinas, isang bansang napalapit na sa kanyang puso, at maaabutan pa niyang buhay si Mr. Garci .  Papasa-kabilang buhay si Mr. Garci, at sa puntong ito magsisimula ang iba’t ibang karanasan ni Mr. Shooli kasama ng kanyang kaibigan at dating kamag-aral na si Congressman Manhik-Manaog (Leo Martinez), mga karanasang magbibigay-kahulugan naman sa talumpati ni Mr. Shooli sa dulo ng pelikula.

Ang “Monay” ay isang acronym na nangangahulugang “ Misteyks Opda Neysion Adres Yata .”  Isang comedy-satire ang M.O.N.A.Y, at nagniningning ito sa dami ng mga sikat na artistang nasangkot sa pagbubuo ng pelikula.  Isa itong katuparan ng tatlong-taong pangarap ng artistang si Jun Urbano, na siya ring manunulat at direktor ng M.O.N.A.Y.  Nakaka-entertain ang kuwento nito, at bagama’t matilamsik ito sa “paggigisa” sa mga baluktot na gawain sa ating bansa, maluwag tanggapin ang katotohanang kanyang sinasalamin at isinusulong sapagkat ito’y binabalot sa katatawanan.

Nang anyayahan ang CINEMA sa isang private screening ng M.O.N.A.Y, naisip nami’y “Bumalik na naman ba ang bomba?” sapagka’t ang pamagat nito’y nagpapaalala sa ilang mga pelikula noong nakaraan na pinamagatang Talong, Patikim ng Pinya, Tuhog, at kung ano ano pang pamagat na sa kultura ng Pilipino ay may dobleng kahulugan.   Nang malaman namin ang kahulugan ng “MONAY” bilang isang acronym, naisip naming ito’y ginawang paraan lamang upang mapansin ang pelikula, at marahil ay may pulitikang sangkap ito.  Mayroon nga, ngunit diumano’y “Walang kinikilingan,” ani Urbano, “ Ito’y para sa tao, para sa Pilipino.”  Maraming katiwalian sa ating lipunan ang pinagtutuunan ng pansin ng M.O.N.A.Y., lalo na’t mga maling gawi ng mga pulitiko at mga naglilingkod sa pamahalaan, at pati na rin mga taliwas na values ng mga Pilipino (tulad ng pagpapabaya sa pamilya ng mga OFW habang naghahanap ng pera sa ibang bansa), mga bagay na talos natin ay tunay namang nangyayari sa ating kapaligiran ngayon.  Bagama’t tapat sa katotohanan  ang M.O.N.A.Y, hindi rin masasabing lubos itong malaya mula sa partisan politics, sapagkat may mga elemento itong “patama”, tulad halimbawa ng paggamit ng pangalang “Garci”---di kaya sinadya ito para magpa-alala ng kung ano?---bakit Garci at hindi Cruz, Santos o Reyes?  Ang pamagat mismo na  M.O.N.A.Y. ay nagpapa-alala rin sa “State of the Nation Address” o S.O.N.A. na taon-tao’y inihahayag ng isang pangulo ng bansa.  Sadya ring ipapalabas ang M.O.N.A.Y. sa mga sinehan ngayong Marso, panahon ng kampanya, bago mag-eleksyon sa Mayo.  Maganda ang intensiyon ng M.O.N.A.Y.sa pagbatikos sa ating mga katawa-tawang gawi ng mga pulitiko, ngunit pili rin ang binabatikos nito: halimbawa, hindi kabilang sa mga pinagtatawanan nito ang pagkakandidato ng mga walang karanasan sa pulitika o walang alam sa batas, tulad ng ilang mga artista o media people.  Ano man ang dahilan, maaari na nating ipikit angating mga mata sa mga pagkukulang ng M.O.N.A.Y., sapagkat sa kabubuuan ng pelikula ay nababakas ang katapatan ng mga gumawa nito.  Ibukas na lamang natin ang ating mga isipan sa ubod ng talumpati ni Mr. Shooli bago magtapos ang pelikula, kung saan niya nawikang “Ang rebolusyon ay wala sa EDSA, wala sa Makati, kungdi nasa puso ng bawa’t tao.”  Ito ay umaayon sa turo ng Simbahang Katoliko na ang pagbagago ng lipunan ay nagmumula sa pagbabago ng kalooban ng bawat nilalang.

 

(Date Reviewed: 16 March 2007)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS