cinema_logo1
banner1

Moral Assessment

moralrating 

Abhorrent

moralratingmoralrating 

Disturbing

moralratingmoralratingmoralrating 

Acceptable

moralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Wholesome

moralratingmoralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Exemplary

Technical Assessment

techrating 

Poor

techratingtechrating 

Below average

techratingtechratingtechrating 

Average

techratingtechratingtechratingtechrating 

Above average

techratingtechratingtechratingtechratingtechrating 

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

MY BESTFRIEND'S GIRLFRIEND

Running Time: 

115 mins

Lead Cast:

Richard Gutierrez, Marian Rivera, J.C. de Vera, Ehra Madrigal

Director: 

Mark A. Reyes

Producer:

GMA Films

Screenwriter:

Suzette Doctolero

Music:

 

Editor: 

 

Genre:

Romantic Comedy

Cinematography: 

 

Distributor:

Regal Films

Location: 

MANILA

Technical Assessment: 

  

Moral Assessment: 

  

CINEMA Rating:  

For viewers 14 and above

 

Si Evo (Richard Gutierrez) ay isang tipikal na mayamang binata na walang pakialam sa buhay. Walang trabaho, walang direksyon at magaspang makitungo sa mga babae. Si Grace (Marian Rivera) naman ay isang working student.  Uliran at responsableng anak at kapatid. Dahil sa matinding pangangailangan, mapipilitan si Grace isang gabi na mag-extra sa isang stag party bilang star dancer sa kundisyong hindi siya maghuhubad at hindi siya mahihipo. Dito sila unang magkikita ni Evo. Mababastos ni Evo si Marian at mauuwi ang lahat sa bangayan. Lingid sa kaalaman ni Evo, si Grace ay kasintahan ng kanyang best friend na si Mark (JC De Vera). Ipapakilala ni Mark si Grace kay Evo at sila ay magkakagulatan. Sa muling pag-alis ni Mark papuntang America, ihahabilin niya si Grace kay Evo. Dahil nakipag-break kay Evo ang kanyang girlfriend na si Akiko (Ehra Madrigal), gagamitin ni Evo ang pagkakataon para i-blackmail si Grace at mapapapayag niya itong magpanggap na bago niyang girlfriend upang pagselosin si Akiko. Mauwi kaya ang pagpapanggap sa totohanan?

Isang nakakaaliw na pelikula ang My BestFriend’s GirlFriend. Mahuhusay ang mga nagsiganap at bagay na bagay ang mga papel nilang ginampanan. May chemistry sina Marian Rivera at Richard Gutierrez bukod sa magagaling ang kanilang atake lalo na sa mga eksenang comedy. Sayang nga lang at hindi gaanong naayos ang kabuuan ng kuwento. Kulang ang mga eksenang magbibigay kurot sa puso ng manonood. Hindi kapani-paniwala ang kuwentong magkasintahan sila Mark at Grace. Mababaw ang karakterisasyon ng maraming tauhan. Hindi sapat ang mga eksena para mahabi ng maayos ang takbo ng emosyon. Bagamat’t bago ang atake, walang bago sa mismong kuwento.

Walang pinipiling antas, panahon o pagkakataon ang pag-ibig. Yan ang nais iparating ng My BestFriend’s GirlFriend. Nakatutuwa na sa kabila ng pagiging mapusok, nagawang magparaya ng mga tauhan sa kuwento alang-alang sa pagkakaibigan. Kapuri-puri rin ang karakter ni Grace na isang dakilang anak at kapatid. Ngunit hindi gaanong malinaw kung paanong ang isang disente at edukadang tulad niya ay magta-trabaho sa isang beerhouse.  Hindi naman dapat tularan ang karakter ni Evo na iresponsable bagama’t nagawa naman niyang magbago sa bandang huli alang-alang sa pag-ibig. May mangilan-ngilan lamang eksenang nangagailangan ng gabay ng magulang: ang stag party, outing na pares-pares ang babae’t lalaking hindi naman mag-asawa, inuman at ilang halikan. Lahat naman ay nasa konteksto ng kuwento ngunit maaring isiping tama at tularan ng mga bata kung hindi sila magagabayan.

 

(Date Reviewed: 14 February 2008)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS