cinema_logo1
banner1

Moral Assessment

moralrating 

Abhorrent

moralratingmoralrating 

Disturbing

moralratingmoralratingmoralrating 

Acceptable

moralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Wholesome

moralratingmoralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Exemplary

Technical Assessment

techrating 

Poor

techratingtechrating 

Below average

techratingtechratingtechrating 

Average

techratingtechratingtechratingtechrating 

Above average

techratingtechratingtechratingtechratingtechrating 

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

MY BIG LOVE

Running Time: 

110 mins

Lead Cast:

Sam Milby, Toni Gonzaga, Kristine Hermosa, Michelle Madrigal, Dick Israel, Malou de Guzman, Janus del Prado

Director: 

Jade Castro

Producer:

 

Screenwriters:

Theodore Boborol, Michiko Yamamoto

Music:

 

Editor: 

 

Genre:

Comedy/Drama

Cinematography: 

 

Distributor:

Star Cinema Production Inc.

Location: 

Philippines

Technical Assessment: 

 

Moral Assessment: 

  

CINEMA Rating:  

For viewers of all ages

 

Nabisto ng gym instructor na si Aira (Toni) na ang matabang chef na si Macky (Sam) ang lihim na mangingibig sa chat at nagbibigay ng bulaklak sa kliyente niyang si Niña (Kristine). Batid ni Aira na taliwas ang hitsura ni Macky sa hinala ni Niña na isang matipuno at gwapong lalaki ang secret admirer na ka-chat nya. Nakakita ng pagkakataon si Aira sa sitwasyon upang alukin ng workout program niya si Macky para mabawasan ang timbang niya at magustuhan ni Niña subalit tinanggihan ang alok niya. Katulad ng inaasahan ay hindi naging maganda ang kinahinatnan ng sa wakas ay nagkita ang dalawa. Dinamdam ito ni Macky at nagpasya na magpapayat. Hinanap niya si Aira at pumayag sa alok nito. Habang nasa ilalim ng programa ay naging magkaibigan at nagkalapit ang dalawa gayundin si Macky sa pamilya ni Aira. Hanggang dahil sa pangangailangan pinansyal ay kinailangan ni Aira na magtungo sa Japan upang doon magtrabaho. Sa muli nilang pagkikita ay isang matipuno at gwapong Macky ang tumambad kay Aira na lubos nitong ikinasaya ang pagbabago sa hitsura ni Macky. Subalit natanto rin ni Aira na di madaling maibabalik ang masayang samahan at pagtatangi sa isa't isa dahil magkasintahan na pala sina Macky at Niña. May pagkakataon ba na mabigyan-daan ang magandang tinginan nila ni Macky?

Madaliang pelikula ang "My Big Love". Maraming aspetong teknikal ang hindi pulido katulad ng make-up ni Sam at malabong transition ng kwento mula sa eksena ng paalaman sa airport hanggang sa 1st year anniversary nila Macky at Niña. Kahit ang slow motion effect sa ilang eksena ay di masyadong maingat. Gayunpaman ay tagumpay ito sa paghahatid ng mga eksenang patawa at malaki ang naitulong ng magandang chemistry nina Sam at Toni bilang mga pangunahing aktor ng pelikula. Subalit maliban sa mga kaswal na eksena ay wala masyadong nailabas sa kanilang pag-arte ang mga nagsipagganap. Bagamat bumawi ang sinematograpiya sa ilang eksena katulad ng paghahanda ng pagkain at mga kuha ng camera sa gym. Sa kabila ng madaming sablay sa teknikal ay nakakaaliw sa kabuuan ang pelikula at mahahalata sa reaksyon ng mga manonood.

Higit sa panlabas na hitsura ng tao ay ang nilalaman ng kanyang puso at ang kaniyang kakayahan na makipagkapwa, mapaunlad ang sarili, magmahal, maging masaya at makapagpasaya ng iba. Ito ay isang gintong aral na kahit paano ay tinalakay ng pelikula. Lumutang ang mensahe ng pag-ibig, pagiging tapat sa sarili at pagpaparaya. Pinatingkad din ang pagmamahal sa pamilya at pagbibigay suporta sa isa't isa ng mga kasapi nito lalo na sa usapin ng puso. Bagamat ang ilang tagpo sa pamilya ni Aira katulad ng tipikal na pagnanakaw ng tropa ng kapatid na di magandang halimbawa sa mga kabataan, sa kabuuan ay positibo ang mensahe ng  pelikula.

 

(Date Reviewed: 28 February 2008)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS