cinema_logo1
banner1

Moral Assessment

moralrating 

Abhorrent

moralratingmoralrating 

Disturbing

moralratingmoralratingmoralrating 

Acceptable

moralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Wholesome

moralratingmoralratingmoralratingmoralratingmoralrating 

Exemplary

Technical Assessment

techrating 

Poor

techratingtechrating 

Below average

techratingtechratingtechrating 

Average

techratingtechratingtechratingtechrating 

Above average

techratingtechratingtechratingtechratingtechrating 

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

RUMBLE BOY 

Running Time: 

85 mins

Lead Cast:

Derick Dee

Director: 

Ronie Ricketts

Producer:

Derick Dee

Screenwriter:

Willy Laconsay

Music:

Nonong Buencamino

Editor: 

Jess Navarro

Genre:

Action

Cinematography: 

Macoy Tarnate

Distributor:

Apache Films

Location: 

Philippines

Technical Assessment: 

techratingtechrating 

Moral Assessment: 

moralratingmoralrating 

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Umuwi si Karen (Kyla Cole) upang hanapin ang kanyang ama at laking sama ng loob niya nang dalhin siya ni Edy (Ma. Isabel Lopez) na siyang kinasama ng kanyang ama sa Pilipinas, sa puntod nito.  Sa kagustuhang mapaghigantihan ang mga pumatay sa kanyang ama, makikilala niya si Trigger (Derick Dee), isang mahusay na mekaniko ng Rumbleboys, samahan ng mga big bikers.  Matutuklasan nila na ginagawa lamang panakip ang grupo para sa mga ilegal na gawain at pangangalakal kung saan ang sinumang makialam o maging balakid ay kanilang pinapatay.

Manipis at gasgas ang istorya na pinahaba lamang ng habulan, suntukan at bakbakan.  Hindi pa rin ito humiwalay sa lumang pormula na “konting patawa, kontng pa-seksi at sangkatutak na bakbakan” upang mapunuan lamang ang isa’t kalahating oras na haba ng pelikula.  Walang kabuhay-buhay ang daloy ng kwento at mga piniling eksena na lalong pinalala naman ng lalong walang buhay na pagganap ng lahat ng tauhan, mula pangunahin hanggang extra.  Magaspang ang pagtagni-tagni ng mga eksena at kulang sa imahinasyon ang mga eksenang aksyon.  Ang pinagmamalaking special effects,  na sinaliksik at isinunod pa mula sa istilo at teknolihiya ng iba’t ibang bansa ay nagging katawa-tawa lamang dahil bukod sa napaka­- amateur na diskarte ng pagkakagawa ay halatang-halata pa ang pagka-peke nito--isang kasalanang mortal sa larangan ng paggawa ng pelikula. Hilaw na hilaw pa rin si Ricketts bilang director at walang bago siyang naipakita sa pelikula. Sa kabuuan ay sayang lamang ang salaping ginugol sa pagbubuo ng pelikulang ito.

Karahasan at paghihiganti.  Ito pa rin ang nangingibabaw na mga tema ng pelikulang Pinoy pagdating sa aksyon.  Tila baga ang anumang pagpatay at karahasan gawin, sa ngalan ng paghahanap ng katarungan ay dapat palagpasin.  Tila ba ang mga tao rito’y sukdulang masama lamang o sukdulang biktima na napipilitang lumaban at manakit.  Hindi makatotohanan  ang paglalarawan sa pagkatao na sumasakay lamang sa alon ng karahasan.  Maging ang ilang patawa ay nakatuon sa karahasan  sa pambabastos, tulad ng pamboboso nina Ariel at Maverick.  Bagamat hindi naman malaswa o sukdulang marahas ang pelikula, wala rin naman itong buting maibibigay sa mga batang manunuod, sa aspetong pang-aliw man o moral.  Hindi angkop ang tema at mga eksena sa kanila.  Mas maaliw pa silang magbasa ng libro o kahit komiks kung saan mas malikhain at kapanapanabik ang aksyong mabubuo ng kanilang imahinasyon.

 

(Date Reviewed: 27 March 2007)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS