Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

SAY THAT YOU LOVE ME

Running Time: 

116 mins

Lead Cast:

Jennylyn Mercado, Mark Herras, Jean Garcia, Tonton Guttierez, Joel Torre, Tuesday Vargas, Bearwin

Director: 

Mac Alejandre

Producer: 

 

Screenwriters:

Robert Joseph Nuevas, Suzette Doctolero

Music:

Vincent de Jesus

Editor: 

Kelly Cruz

Genre:

Teen Romance

Cinematography: 

Rolly Manud

Distributor:

MAQ Productions

Location: 

Manila

Technical Assessment: 

• • ½

Moral Assessment: 

+ +

CINEMA Rating:  

For viewers age 13 and below with parental guidance

 

Si Kristine (Jennylyn Mercado) ay lumaki sa isang watak-watak na tahanan (anak nina Jean Garcia at Tonton Guttierez) at maagang nasawi sa pag-ibig matapos hiwalayan ni Edward (Jake Cuunca).  Si Stephen (Mark Herras) ay torpe, mahiyain ngunit masunuring anak ng kanyang amang si (Joel Torre) na naging mailap sa mundo matapos mabyudo.  Sa mapaglarong takbo ng tadhana, makailang ulit nagtagpo sina Stephen at Kristine hanggang sila ay maging matalik na magkaibigan. Marahil dahil sa kakaibang karisma, kalokohan at katapangan ni Kristine, nahulog ang loob ni Stephen sa kanya. Dahil likas na mahina ang loob sa panliligaw ginaya ni Stephen ang istilo ni Edward na nabasa niya sa talaarawan o diary ni Kristine.  Subalit nahuli ni Kristine na binabasa ni Stepehn ang kanyang diary at labis na ikinasama niya ito ng loob.  Natauhan si Stephen at nangakong magiging matapang na ipakita ang kanyang tunay na istilo ng pagmamahal.  Subalit huli na dahil nagbalik na si Edward kay Kristine.

Ang kwentong ito ay walang ipinag-iba sa mga romantikong sine na pangkabataan. Naka-sentro sa pangunahing artista sa mga mala-pulot na eksena, dalawangsidekicks na nagpapatawa, mga bigating suporta ng mga dalubhasang nakatatandang artista at sikat na awiting paulit-ulit na patutugtugin upang magbigay kilig sa mga tagahanga.  Ang mga teknikal na aspeto (cinematography, disenyo ng ilaw, editing) ng sine ay maayos, malinis at masasabing higit sa standard.  Ang nakapagpababa ng marka ng sine ay ang aspetong artistiko (story, screenplay, disenyo ng produksyon, musika at maging ang direksyon).  Napakalabnaw ng istorya at paghubog sa mga tauhan. Masyadong OA ang pagpili ng setting at maging kasuotan lalo na si Kristine na akala mo'y modelo sa isang boutique.  Sa halip na buuin ay agaw-eksena ang paglalapat ng musika.  Hilaw ang pagganap ni Mercado at lalo na si Herras.

Labis na nakababagabag ang katauhan ni Kristine.  Napakagaspang ng kanyang pag-uugali.  Hindi siya marunong magpasalamat, napakadali sa kanya ang mambatok o manampal, wala siyang galang sa kanyang amain.  Anong uri ng kaibigan ang mang-uudyok na makipagsuntukan para lamang patunay na macho siya, o hahatakin ang isang taong may mga responsibilidad sa kabuhayan ng pamilya para lamang ipagmaneho siya kung saan-saan? Hindi isang magandang halimbawa si Kristine para sa mga kabataang manonod.  Nakababahala rin na ang pag-ibig ay itinatapat lamang ng pelikulang ito sa romance na nararamdaman ng mag kabataan.  Dapat nating higit na ipaliwanag ang pagkakaiba ng kilig na nararamdaman ng tinedyer sa marubdob na pagtanggap sa kakulangan, pagkakaisa sa hirap at ginhawa, pagsasakripisyo para sa ikabubuti ng minamahal at pagiging gabay ng bawat isa tungo sa tama, kabutihan at grasya.

 

(Date Reviewed: 3 June 2005)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS